Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Accountability, hindi immunity

SHARE THE TRUTH

 125 total views

Mga Kapanalig, sa isang asembliya ng partidong PDP-Laban, nang muli na naman niyang buksan ang usapin tungkol sa pagtakbo niya bilang bise presidente sa darating na halalan, nagbitiw ng ganitong mga salita si Pangulong Duterte: “Sabi ng batas, kung bise presidente ka, may immunity ka. Eh ‘di tatakbo na lang ako ng bise presidente.”

Sinundan ito ng palakpakan ng mga miyembro ng partido at ng mga taong nanonood (at sumusuporta) sa kanyang naroroon sa pagpupulong. Sa mga nakalipas na araw, iba-iba ang sinasabing motibo ng pangulo sa kanyang umano’y pagtakbo sa susunod na eleksyon. Ngunit sa pagkakataong ito, malinaw ang nais niyang ipahiwatig: tatakbo siya sa pagka-bise presidente upang takasan ang mga kasong maaaring isampa laban sa kanya ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Bakit nga ba tila may nais takasang pananagutan ang pangulo?

Matatandaang sa paunang imbestigasyon ng dating prosecutor ng International Criminal Court (o ICC), mayroon daw itong pinanghahawakang ebidensyang nagpapatunay na nagkaroon ng crime against humanity sa Pilipinas mula Hulyo 2016 hanggang Marso 2019. May kinalaman ang mga ito sa giyera kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte. Nakadidismaya—ngunit hindi na nakagugulat—na wala raw balak si Pangulong Duterte na makipagtulungan sa imbestigasyon hanggang matapos ang termino niya sa 2022. Iginiit pa ni Secretary Harry Roque, tagapagsalita ng pangulo, na wala raw karapatan ang ICC na mangialam at mag-imbestiga lalo’t tumiwalag na rito ang Pilipinas noong 2019. Umiiral pa rin naman daw ang sistemang pangkatarungan sa Pilipinas. Ngunit ayon sa ICC, may hurisdiksyon pa rin ang korte nito sa mga umano’y krimeng nangyari sa bansa noong panahong saklaw pa ito ng ICC kahit pa naging epektibo na ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong Marso 2019. Sinabi na rin ng Korte Suprema na hindi maaaring umatras o hindi makipagtulungan ang estado sa gagawing mga pagsisiyasat at paglilitis.

Mahalaga ang ICC probe bilang hakbang sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng war on drugs. Hindi katulad ng mga nakabinbin at nakahain nang criminal complaints laban sa ilang mga pulis, may kinalaman ang ICC investigation sa isang sistematikong krimen kung saan may malawakang pattern o may pagkakahalintulad at nauulit ang mga kaganapan. Dahil ito ay itinuturing na sistematiko, hindi lamang iisang indibidwal ang biktima at suspek: may mga makapangyarihang taong nagbibigay-kumpas upang mangyari o maisagawa ang malawakang krimen laban sa isang tukóy na populasyon, kaya rin ito tinawag na crime against humanity.

Biro man—tulad ng maraming pahayag ng pangulo sa publiko—ang pahayag niya tungkol sa pagtakbo bilang bise presidente para umiwas sa mga demanda, nilinaw pa rin ng mga prominenteng abogado na walang binabanggit sa Saligang Batas ng 1986 na may immunity sa mga litigasyon at demanda ang isang bise presidente. Ngayong mag-uumpisa na ang pormal na imbestigasyon ng ICC sa mga susunod na buwan, hindi rin epektibo ang presidential immunity sa international court. Sa mga ganitong pahayag ng pangulo, para na rin niyang inaaming may atraso siya sa publiko at takót siyang harapin ito. Gaya ng paalala mula sa Mga Kawikaan 21:15, “kapag katarungan ang umiiral, ang mga matuwid ay natutuwa, ngunit natatakot ang masasama.”

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang kapangyarihan at tungkulin ng mga mamamayang papanagutin ang kanilang mga pinuno. Kaya, mga Kapanalig, huwag nating hayaan ang mga itinalaga nating mga lider na gamitin ang kapangyarihang ibinigay natin sa kanila upang takasan ang batas at unahin ang kanilang pansariling hangarin. Tandaan nating pangunahing tungkulin ng pamahalaang itatag ang isang makatarungang lipunan. Hindi natin ito makakamit kung sila mismo ang lalabag dito, kung sila mismo ang magiging hadlang sa mabuti at tuwid na pamamahala.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 13,230 total views

 13,230 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 20,711 total views

 20,711 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 33,851 total views

 33,851 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 39,824 total views

 39,824 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 45,578 total views

 45,578 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 13,231 total views

 13,231 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 20,712 total views

 20,712 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 33,852 total views

 33,852 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 39,825 total views

 39,825 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 45,579 total views

 45,579 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,062 total views

 41,062 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,146 total views

 42,146 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,527 total views

 37,527 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,531 total views

 49,531 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,573 total views

 57,573 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,130 total views

 49,130 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,555 total views

 47,555 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,341 total views

 49,341 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,266 total views

 46,266 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,580 total views

 60,580 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top