6,572 total views
Itataguyod ng Department of Agriculture ang Agricultural Cooperative Enterprise Development Services o ACED sa buong Pilipinas.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, layunin ng inisyatibo na higit pang bigyan ng pagkakakitaan at pamamaraan upang umunlad ang mga magsasaka at mangingisda ng bansa.
Sinabi ng kalihim na layon nitong makamit ang food security o paglikha ng sapat na suplay ng pagkain ng Pilipinas.
“President Ferdinand Marcos Jr. has highlighted the crucial role that transforming and consolidating farmers’ cooperatives and associations plays in improving the livelihoods of our agricultural community. These efforts are key to advancing agricultural development and ensuring food security,” ayon sa mensahe ni Laurel na ipindala ng DA sa Radio Veritas.
Bukod sa pagiging kooperatiba ay magsisilbi ang ACED Services bilang nationwide strategic planner ng pamahalaan upang simulan ang mga programang tutulungan ang mga manggagawa sa agrikultura.
Sa pamamagitan ito ng mga pagsasanay upang madagdagan ang kaalaman ng mga manggagawa sa pagsasaka at pangingisda kasabay ng pagkakaroon ng mga database o impormasyon na mahalaga para sektor ng agrikultura.
Sa bisa din ng kooperatiba ay mapapalawig at mapapadali ang pakikipag-ugnayan ng mga manggagawa sa agricultural sector sa mga stakeholders, kompanya at mahahalagang ahensya sa parehong pribado at pampublikong sektor.
Unang tiniyak ng Caritas Manila ang suporta sa agricultural sector, sa pamamagitan ito ng paglalaan ng isang libong slots para sa mga nais kumuha ng agriculture related courses mula sa limang libong YSLEP scholars.
Kasabay ito ng mensahe ng suporta ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila sa pagtataguyod ng mga kooperatiba higit na para sa mga pinakanangangailangang sektor ng lipunan upang matulungan silang mapabuti ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa pinagsama-samang yaman ng bawat miyembro ng isang kooperatiba.