Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

SHARE THE TRUTH

 72,964 total views

Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024.

Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo ngayong taon sa pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa daigdig.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na ang pananalangin ng mga kabataan ay maituturing na pambihirang musika para sa Panginoon at isang paraan upang ganap na maipaabot ang mga pasasalamat, at pagsusumamo sa Panginoon.

Inihayag ni Archbishop Villegas na kaakibat ng pananalangin ng Santo Rosaryo ang paniniwala at pananampalataya sa pag-asa at himala na hatid ng Panginoon para sa sangkatauhan.

“The prayer of every child is a lullaby music for the ears of the Lord, on October 18, 2024 at 9 in the morning one million children of God will pray the Rosary for peace in the world. One million children praying a lullaby song for the heart of God, I am very sure a miracle will unfold, a miracle of peace will be given to the world because of One million children praying the Rosary for peace.” paanyaya ni Archbishop Villegas.

NIlinaw naman ng Arsobispo na ang Worldwide Prayer Event na One Million Children Praying the Rosary Campaign ay isang paanyaya ng pananalangin ng Santo Rosaryo ay hindi lamang para sa mga bata kundi para sa lahat.

Dahil dito, umaasa si Archbishop Villegas sa pakikibahagi ng bawat pamilya, paaralan at komunidad sa nakatakdang pandaigdigang pananalangin ng Santo Rosaryo para sa kapayapaan sa ika-18 ng Oktubre, 2024 ganap na alas-nuebe ng umaga.

“We are all God’s children regardless of age and I am inviting you this year October 18, 2024 at 9am to pray the Rosary wherever you may be offering for peace in the world and peace in our hearts and let us join in offering a lullaby song to the ears of our Lord that brings the King of Peace Jesus who is peace in Himself. Pray the Rosary, a Rosary in every family, a Rosary in every school, a Rosary in every workplace, a Rosary in everywhere is the key to the peace of the world that we are all searching for. Let us come together to pray the Rosary, a world of prayer is a world of peace.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Nagkatakdang isagawa ang One Million Children Praying the Rosary Campaign na may tema ngayong taon na “Tinig ng Pag-asa ng mga Munting Alagad” sa Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica ng Diyosesis ng Malolos sa ika-18 ng Oktubre, 2024 ganap na alas-nuebe ng umaga.

Layunin ng Worldwide Prayer Event na isulong ang pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo rosaryo sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa at maging sa buong mundo.

Inilunsad ang pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Caracas, Venezuela noong taong 2005 kung saan umaabot na sa mahigit 80-bansa ang taunang nakikibahagi sa malawakang pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo kabilang na ang Pilipinas nang inilunsad ang gawain sa bansa noong taong 2016.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,910 total views

 44,910 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,391 total views

 82,391 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,386 total views

 114,386 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 159,113 total views

 159,113 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 182,059 total views

 182,059 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,152 total views

 9,152 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,641 total views

 19,641 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,153 total views

 9,153 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,576 total views

 61,576 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 39,164 total views

 39,164 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 46,103 total views

 46,103 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top