371 total views
Nagpaabot ng panalangin at pakikidalamhati ang Aid to the Church in Need (ACN) Philippines sa magkakahiwalay na pagsabog sa Sri Lanka na kumitil sa buhay ng mahigit sa 200-katao.
Ayon kay ACN Philippines National Director Jonathan Luciano, isang karuwagan ang pagpapalaganap ng karahasan at takot na tanging bumibiktima ng mga inosente.
Umapela si Luciano sa mga mananampalataya na ipanalangin ang kapakanan at kaligtasan ng mga Katoliko’t Kristyano na patuloy na nakakaranas ng pang-aabuso at pag-uusig dahil sa kanilang paniniwala at pananampalataya.
Apela pa ni Luciano, nawa ay mapukaw ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ang puso at isip ng lahat upang ganap na magkaisa para sa iisang layunin na maging katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.
Ito ayo sa obispo ay sa kabila ng mgabanta ng karahasan na dulot ng mga pag-uusig sa mga mananampalataya.
“We should not stop praying for Christians who are persecuted for their faith. And inspired by the message of hope especially today that we celebrate Christ’s triumph over sin and death, we should be in solidarity with the suffering Church and do all we can to support them through our prayers and acts of generosity,” ang bahagi ng pahayag ni ACN Philippines National Director Jonathan Luciano sa panayam sa Radyo Veritas.
Batay sa inisyal na ulat, sampung araw bago ang insidente ng mga pagsabog sa mga Simbahan at mga Hotel sa Sri Lanka noong Easter Sunday ay may nakuha ng intelligence report ang mga otoridad kaugnay sa planong magkakahiwalay na mga pag-atake sa bansa.
Ang ACN Philippines ay bahagi ng Pontifical Foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN) na naitatag noong 1947 bilang isang Catholic aid organization na kinilala bilang Papal Foundation noong 2011 na nagbabantay sa iba’t ibang kaso ng pang-aabuso sa mga migrants at refugees at maging sa mga kaso ng religious persecution sa iba’t ibang bansa.
Ayon sa Center for the Study of Global Christianity, simula taong 2005 hanggang 2015 umaabot na sa higit 900,000 ang mga binyagan na pinaslang o katumbas ng 90,000 Kristiyano ang pinapatay kada taon.
Batay naman sa datos ng Center for New Religions mahigit sa 90,000 Kristyano ang napaslang noong 2016 na katumbas sa pagkamatay ng isang Kristyano sa loob ng kada 6 na minuto.