VeritasPH

The Word, The Truth

Wala tayong magagawa?

SHARE THE TRUTH

 431 total views

Mga Kapanalig, kung gaano katapang ang ating Pangulo sa paninira sa mga kandidato ng oposisyon sa darating na halalan at maging sa mga alagad ng Simbahang Katolika, ganoon naman kalambot ang kanyang administrasyon sa agresibong pagpasok ng China sa mga isla at karagatang nakapailalim sa ating pamamahala.

Wala tayong narinig na anumang maaanghang na salita mula sa pangulo tungkol sa lantarang pagwasak ng mga barkong mula China sa coral o bahura sa Scarborough Shoal. Reklamo ng mga mangingsida, ilang taon nang naghuhukay doon ang mga Tsinong mangingisda ng taklobo o giant clam, at nakaaapekto ito sa kanilang huli. Ngunit hindi makaimik ang mga pobreng mangigisda natin dahil kasama ng mga Tsinong mangingisda ang coast guard ng kanilang bansa. Kaawa-awa naman na talaga tayo.

Maghahain daw ng legal action ang Department of Foreign Affairs, habang maghihintay naman ang palasyo ng paliwanag mula sa pamahalaang China. Ilang beses na ba nating narinig ang ganitong mga pahayag mula sa administrasyong halos isanla na ang ating bansa sa makapangyarihan nating kapitbahay?

Isa lamang ang nangyayari sa Scraborough Shoal sa humahabang listahan ng mga ginagawa ng China kung saan nagiging dehado tayong mga Pilipino. Nariyan ang military reports tungkol sa mahigit 600 Chinese vessels na nakapalibot sa Pag-asa Island. Dito sa Metro Manila, dagsa naman ang mga Tsinong manggagawa na sinasabing umaagaw sa mga trabahong kaya namang gawin ng mga Pilipino. Ang ilang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ay popondohan naman ng utang mula sa China, na maliban sa mataas ang ipapataw na interes, maaari pang mapasakamay ng mga Tsino sakaling hindi natin mabayaran ang ating utang sa kanila. Kaliwa’t kanan din ang pagtatayo ng mga negosyo ng mga Tsino dito sa Metro Manila at maging sa Boracay, na ang ilan ay hindi tumatanggap ng mga Pilipinong trabahante o hindi nagpapapasok ng mga Pilipinong customers.

Sa mga pumupuna sa mahinang paninindigan ng pamahalaang Pilipinas laban sa mga maling ginagawa ng China, laging ikinakatwiran ni Pangulong Duterte na ayaw lamang niyang sumiklab ang isang digmaang tayo rin naman daw ang matatatalo. Ngunit wala namang nagsasabi sa kanyang makipaggiyera tayo sa China. Wala ring nagsasabing murahin niya ang mga lider ng China gaya ng ginagawa niya sa kanyang mga kritiko. Ang hinihiling ng mga mamamayan ay bigyang-proteksyon ng pamahalaan ang ating mga mangingisda nang mapayapa silang makapanghuli ng kanilang ihahain sa kanilang hapag at ng kanilang maipanghahanapbuhay. Ang hinilihing sa pamahalaan ay tiyaking hindi nawawalan ng trabaho ang mga Pilipino sa sarili nilang bayan. Ang hinihiling sa pamahalaan ay maging mas bukás ito sa mga detalye at impormasyon tungkol sa mga pinapasok nitong kasunduan sa China.

Hindi giyera kundi tunay na paglilingkod sa mga Pilipino ang inaasahan nating aksyon ng administrasyong Duterte. Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, binibigyang-diin ang tungkulin ng pamahalaang alalayan sa kanilang pag-unlad ang lahat ng mamamayan. Layunin dapat ng pamahalaang tulungan ang bawat mamamayang magampanan ang kanilang responsibilidad—ang tulungan ang mangingisdang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at makapag-ambag sa suplay ng pagkain, at ang tulungan ang manggagawang makahanap ng disenteng trabaho upang masuportahan ang kanyang pamilya at makapag-ambag sa ekonomiya. Tungkulin ito ng pamahalaan, lalo na sa mga pagkakataong hindi kayang gampanan ng mga indibidwal ang kanilang papel sa lipunan. Inutil ang pamahalaang isinasantabi ang mga layuning ito dahil lamang sa paniniwalang wala itong laban sa mga pinagmumulan ng banta sa kabuhayan at hanapbuhay ng mga pinaglilingkuran nito.

Mga Kapanalig, kung walang magagawa ang kasalukuyang administrasyon, tayo mismo, sa darating na eleksyon, ang kumilos. Piliin natin ang mga kandidatong handang manindigan para sa bayan, hindi ang mga kandidatong handa tayong ipagkanulo sa ibang bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,993 total views

 6,993 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 14,529 total views

 14,529 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 30,515 total views

 30,515 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 38,560 total views

 38,560 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 43,640 total views

 43,640 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 6,994 total views

 6,994 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 14,530 total views

 14,530 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 30,516 total views

 30,516 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 38,561 total views

 38,561 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 43,641 total views

 43,641 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,435 total views

 43,435 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,221 total views

 45,221 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,146 total views

 42,146 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,460 total views

 56,460 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,150 total views

 60,150 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,753 total views

 58,753 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,740 total views

 68,740 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,708 total views

 72,708 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,595 total views

 83,595 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 96,034 total views

 96,034 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top