292 total views
Inilunsad ng Task Force Eleksyon 2016 ang mga pamantayan sa pagpili ng tamang kandidato sa nalalapit na national elections.
Àyon kay Rev. Fr. Xavier Alpasa, SJ ng Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB) na mahalagang suriin ng taumbayan ang iboboto nilang kandidato gamit ang acronym na V-E-R-I-T-A-S.
Ito ang dapat isa-alang ng mga botante: V para sa Vision, E- engagement for the community, R-espect for the environment, I-ntegrity, T-rack Record, A-ccountability at isang S-ervant Leader. “Ang vision, plataporma, ang engagement sa community, kasama ba ang mga tao. Respect for the environment ano ang tindig niya sa kanyang kalikasan. Integridad niya ang kanyang ‘track record.’ Ang kanyang accountability at ang pagiging servant leader niya,” bahagi ng pahayag ni Fr. Alpasa sa Radyo Veritas.
Kumikilos na rin àyon sa pari sa paglulunsad ng kwentuhang bayan upang maiabot ang impormasyon sa mga mahihirap.
“Unang – una gumagawa na tayo ng kwentuhan bayan, umiikot na tayo sa iba’t ibang lugar. Kaya mayroon ng kamalayan may network na tayong nagawa para dito. Ito ay ibaba para ipaabot at ikakalat natin para lalong pag – usapan. Maliban doon sa mga Presidential forum, VP Forum, senatorial forum. Lahat ng Forum na ito dadalhin natin ang usapin na ito ng sa gayon mas lalong magkaroon ng kamalayan ang tao,” giit pa ng pari sa Veritas Patrol.
Naniniwalan rin si Fr. Alpasa na nagagamit ang mga maralita sa mga campaign material ng mga kandidato. Kaya gayon na lamang nila isinesentro ang isyung kinakaharap nila sa mga kandidato at nangakong babantayan ang pangako na kanilang bibitawan.
“Ginagamit sila, hinahakot sila kaya mas ibinibigay natin yung kapangyarihan sa kanila ngayon. Inilalagay natin sila sa Sentro ng usapin. Kung saan ang mga tunay na isyu nila ang idinadala natin sa Sentro. At yun ang pinaka – tema ng Task Force Eleksyon nais nating bantayan yung proseso at Pangako,” pananaw ng pari.
Sa tala naman ng Commission on Elections o COMELEC nasa 54.6 Milyon ang botante ng May 2016 local at national elections.
Nanindigan naman ang CBCP na wala itong ieendorsong kandidato at nirerespeto ang karapatan ng lahat na pumili ng ihahalal subalit sana ito ay maka-Diyos, makamahirap at maka-kalikasan
.
Nauna na ring inilunsad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang “One Good Vote.” Na tutok sa no to vote buyiong and yes to conscience-based selections of candidates gamit ang Karakter, Kakayahan at Katapatan o KKK.