249 total views
Nanawagan ang Pambansang Kilusan ng Samahang Magsasaka o PAKISAMA sa mga kandidato sa May 9, 2016 electrions na magkaroon ng batas na magtatakda sa mas malawak na ayuda ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Samuel Fuellas – Vice Chairman ng PAKISAMA, nararapat na magbalangkas ng mga panibagong batas ang mga bagong lider ng bansa upang matiyak ang pangangalaga sa sektor ng agrikultura lalo’t sa kasalukuyan ay patuloy ang paglalala ng epekto ng climate change. P
Paliwanag ni Fuellas, dapat mas mahigpit ang pamahalaan sa pangangalaga sa kalikasan na pangunahing pinagmumulan ng ikabubuhay at pagkain ng mga mamamayan.
“So ang panawagan ko dapat gumawa talaga ng isang batas, i-institutionalize na maging batas yung tungkol sa Climate Change, iba pa yung disaster dahil ang mas apektado dito ay yung sektor ng agrikultura lalo na at tagtuyot ngayon, so dapat yun ang mapagtuunan ng pansin at gumawa talaga ng solusyon para kasi kung maapektuhan ang pagtatanim ng mga magsasaka ay mababawasan rin ang pagkain n gating bansa, dahil ang mga magsasaka ay nagtatanim para sa pagkain ng ating mamamayang Filipino…” Ang bahagi ng pahayag ni Fuellas, sa Radio Veritas.
Sa pagtataya ng PAGASA patuloy ang epekto ng matinding El Niño sa Pilipinas kung saan hanggang sa pagtatapos ng Marso, anim na lalawigan pa sa bansa ang inaasahang makararanas ng dry condition; 20 ang makararanas ng Dry spell, at 30 lalawigan na karamihan ay mula sa Mindanao ang maaapektuhan ng matinding tagtuyot.
Sa tala ng Department of Agriculture, tinatayang umaabot na sa P4.7-billion ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga pananim dulot ng matinding tagtuyot sa bansa.
Una nang hinikayat ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na pangalagaan ang kalikasan upang hindi na dumami pa ang nagiging biktima ng extreme weather conditions na dulot ng nagbabagong klima.