329 total views
Responsibilidad ng bawat isa na dumalo sa Climate Reality Leadership Corps (training/seminar) ay ibahagi ang natutunan dito sa kanilang kapwa kung paano pangangalagaan ang kalikasan.
Ayon kay kay Lou Arsenio, Ecology Ministry Coordinator ng Archdiocese of Manila, ito ang pinaka-resolusyon o ang hamon sa lahat ng mga graduates o nagsipagtapos sa March 14-16, 2016 training na ginanap sa Sofitel Hotel, Maynila.
Sinabi ni Arsenio na kinakailangan na maging climate reality lecturer and trainor sa kanilang sariling komunidad ang mga dumalo sa seminar.
“Sa ‘Climate Reality Leadership Training’, pinaka-resolusyon ay ang challenge to all graduate ng 3 day-training to become a climate reality lecturer and trainer in their own communities, may duties ang bwat isa na gawin yang resolution.” Pahayag ni Arsenio na isa sa dumalo sa training sa panayam ng Radyo Veritas
Kaugnay nito, inihayag pa ni Arsenio na ipinakita sa pagtitipon kung ano na ang krisis sa klima natin ngayon na kinakailangan malaman ng mamamayan para na rin makatuwang sila na iligtas ang ating mundo.
“Ipinapakita dito sa training kung anong krisis sa klima natin ngayon at yun din ang dapat i-adopt nila at ipakita sa tao ang content na ito i-discuss sa tao at ano ang solusyon, may responsibility ka to educate and to share what are the climate reality that we have now and paano natin matugunan ito.“ ayon pa kay Arsenio.
Dagdag ni Arsenio ang 31st training corps na ito na pinangunahan ni dating US Vice President Al Gore ang sinasabing nakakuha ng may pinakamalaking participants na umaabot sa 750 habang nasa 36 ang mentors. Sa nasabing participants mahigit 500 dito mga Filipino.
Isa sa naging epekto ng climate change ay ang malalang pamiminsala ng mga bagyo gaya ng Typhoon Yolanda na nananalasa sa bansa noong November 2013 kung saan nasa 16 na milyong indibidwal ang naapektuhan, halos 8,000 ang kumpirmadong nasawi at bilyong bilyong pisong halaga ng ari-arian ang nasira.