Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabalik operasyon ng ipinasarang mining firms, pinuna ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 7,151 total views

July 24, 2020, 10:27AM

Manila,Philippines – Nagpahayag ng pangamba ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa muling pagbabalik operation ng mining companies na sinuspinde ni dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez dahil na rin sa kanilang mga paglabag sa Environmental laws ng bansa.

Sa panayam ng Radio Veritas kay San Carlos Bishop Gerardo Alminza, vice-chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace o CBCP-NASSA/Caritas Philippines, hinimok nito ang D-E-N-R na ihayag sa sambayanang Filipino ang dahilan ng muling pag-ooperate ng mga mining firm.

Iginiit ng Obispo na dapat magkaroon ng third party group na magpapatunay na sumunod sa patakaraan ang mga kompanyang magbabalik operasyon at mapanagot ang mga mining firms na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan.

“I have serious doubts and how I wish the process is transparent and open for public scrutiny.So mining companies are held accountable for any environmental damages caused by them.” Pahayag ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas

Unang kinondena ni Laudato Si Philippines Executive Director Rodney Galicha ang naging desisyon ng ahensya na sinasamantala ang pandemya upang pagmalabisan at pagkakitaan ang kalikasan.

“DENR’s action of lifting suspended mining operations is taking advantage of the pandemic mobility limitations allowing continuous plunder of our natural resources.” Ayon kay Galicha.

Isinusulong din ni Galicha na palitan na ang Mining Act of 1995 ng isang batas na nakasentro sa sustainable development, disaster risk reduction at climate adaptation dahil sa kasalukuyang krisis pang ekolohikal.

Nilinaw naman ni DENR Secretary Roy Cimatu na tanging mga dumaan sa tamang proseso at sumunod sa mga itinakdang hakbang ang pinapayagang magbalik operation.

Kinumpirma rin ni Cimatu nitong Miyerkules, ika-23 ng Hulyo na naglabas na ng rekomendasyon ang DENR’s audit team sa mga hindi tinukoy na kompanyang magbabalik operasyon.

Magugunitang noong September 2017, ipinag-utos ng namayapang DENR Secretary Gina Lopez ang pagpapasara at suspension ng mining operations ng 26 na mining companies dahil sa paglabag sa environmental standards at Philippine Mining Act of 1995.

Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
< Libjo Mining Corporation < AAM-Phil Natural Resources Exploration and Development Corporation - Parcel 1 and Parcel 2B < Krominco Incorporated < Carrascal Nickel Corporation < Marcventures Mining ‬and Devt.Corp.‪ < Filminera‬ Resources Corporation‪ < Strongbuilt Mining Development Corporation < Sinosteel ‬Philippines HY Mining Corporation < Oriental Synergy Mining Corporation < Wellex ‬Mining Corporation < Century Peak ‬Corporation - Rapid City Nickel Project and Casiguran Nickel Project < Oriental Vision Mining Philippines Corp. < CTP Construction and Mining Corporation < Agata ‬Mining Ventures Incorporated < Hinatuan Mining‬ Corporation < Benguet Corporation < Lepanto ‬Consolidated Mining Company < OceanaGold ‬Phils, Incorporated < Adnama Mining Resources, Incorporated < SR ‬Metals, Incorporated Matatandaang mariing tinututulan ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si ang industriya ng pagmimina dahil sa nag-iiwan ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cyber terrorists?

 6,575 total views

 6,575 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 15,100 total views

 15,100 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 27,548 total views

 27,548 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 62,566 total views

 62,566 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 69,356 total views

 69,356 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 23,177 total views

 23,177 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 105,359 total views

 105,359 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top