Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BISHOP TEODORO BACANI, PHOTOS FROM RCAM-AOC

Humble President Duterte, nais makita ng sambayanang Filipino sa SONA

SHARE THE TRUTH

 376 total views

July 24, 2020, 11:56AM

Umaasa ang obispo ng simbahang katolika na isang Pangulong Rodrigo Duterte na bilang lingkod ng bayan ang haharap sa publiko para sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, ika-27 ng Hulyo.

Inihayag ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. na bilang lingkod ng sambayanan ay nawa ihayag ng Pangulong Duterte ang tunay na kalagayan ng bansa lalu na ngayong pandemya.

“Huwag magpapakita ng dictatorial tendencies. At Harinawa, ay walang mura. Narinig ko si President Duterte noon, dinig na dinig ko sabi niya, ‘I have been humbled by this virus.’ Iyon ang gusto kong makita. Isang humble president na nagsasalita sa kanyang bayan bilang lingkod sa mga mamamayan, at hindi parang amo ng mga mamamayan,” ayon kay Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.

Hangad din ng obispo na mailahad ng pamahalaan ang mga programa upang tugunan ang kasalukuyang krisis at kung paano ibabangon ang bansa bilang isang bayan na nagkakaisa.

“Mga realistic measures para sa ganoon, ay makabangon tayo muli bilang isang bayan na nagkakaisa, hindi nagkakawatak-watak, at hindi winawatak-watak ng mga namumuno,” ayon kay Bishop BAcani.

Sa kabila nito, may agam-agam pa rin ang obispo na kabilang sa magiging talumpati ng pangulong Duterte ang pagpapatupad ng Anti-terrorism Law sa kabila ng kawalan ng implementing rules and regulations (IRR).

“Ano’ng inaasahan at kinatatakutan? Ang inaasahan ko’ng marinig sa lunes, sapagkat State of the Nation Address iyan, ay dapat naman talagang isiwalat ano ang kalagayan natin sa bansa? Iyong TOTOO. Walang palabok. Sabihin talaga kung ano ang nangyayari sa bansa, iyon ang inaasahan ko. Ikalawa, ang ikinatatakot ko na sabihin niya ay kung sasabihin ipaiiral na ang Terrorism Law kahit wala pang mga implementing rules and regulations.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Una na ring nagpahayag ng pagtutol ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pagpapatupad ng anti-terror law na sa ngayon ay may 13-petisyon nang isinumite sa Korte Suprema na kumukwestiyon sa legalidad ng batas.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,600 total views

 107,600 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,375 total views

 115,375 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,555 total views

 123,555 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,541 total views

 138,541 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,484 total views

 142,484 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 7,483 total views

 7,483 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte got what he wanted

 12,436 total views

 12,436 total views Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 12,436 total views

 12,436 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top