Human chain para sa kalikasan, inilunsad ng Diocese of San Carlos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,681 total reads

April 22, 2020, 12:30PM

Pagdiriwang ng Earth Day 2020 ngayong ika-22 ng Abril patuloy na ginaganap sa pamamagitan ng mga online activities.

Sa inisyatibo ng Obispo ng San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, magkakaroon ang diyosesis ng digital activities upang hikayatin ang mga tao na magkaisa at ipakita ang pangangalaga sa kalikasan habang ligtas na nananatili sa kanilang tahanan.

Ito ay pamamagitan ng paggawa at pagpost ng mga online content tulad ng mga dance challenge at video materials.

Ayon pa kay Bishop Alminaza, ngayong taon ang unang anibersaryo ng Diocesan-wide Human Chain kung saan nakilahok ang diyosesis upang mahigpit na tutulan ang pagtatayo ng coal-fired power plant sa San Carlos City.

Ngayon taon, makikiisa muli ang diyosesis sa pagbuo ng human chain sa pamamagitan ng mga nauusong online application.

“Even our small contributions can make a big difference; with all our efforts. This is another way of living out out battle cry: “Ubuntu: I am because we are!” Together we stand as one!” pahayag ni Bishop Alminaza

Samantala, nanawagan naman si Fr. Angel Cortez, OFM, Executive Secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa mga mananampalataya na hindi lamang dapat matapos ang pagdiriwang ng Earth Day sa pagpost ng mga online content bagkus ay dapat na tayong kumilos upang pangalagaan ang kalikasan.

“Ipagdiwang natin nang makabuluhan ang Earth Day, hindi lamang magpost tayo sa social media at magpatay ng ilaw kung hindi kailangan sa pamamagitan ng ating pananampalataya ay kumbinsido tayo na mayroon tayong dapat gawin at ngayon na ‘yun”. pahayag ni Fr. Cortez sa Radyo Veritas

Kaugnay nito, nagkakaroon ng mga online activities sa pamamagitan ng paggamit ng #EarthDay2020 ang iba’t ibang makakalikasang grupo at mga Church groups upang mas hikayatin ang mga tao na makiisa sa adbokasiya ng Earth Day.

Ang Earth Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-22 ng abril na magugunitang nagsimula sa amerika at ngayong taon ang ika-50 anibersaryo nito.

Una nang inanyayahan ni Pope Francis sa encyclical na Laudato Si ang bawat indibidwal na makibahagi at maging instrumento ng panginoon sa pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan batay sa ating kultura, karanasan, at talent.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 2,376 total reads

 2,376 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 89,650 total reads

 89,650 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 127,023 total reads

 127,023 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 158,284 total reads

 158,284 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 230,981 total reads

 230,981 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 211,570 total reads

 211,570 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 353,216 total reads

 353,216 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top