Earth Hour 2020 goes digital

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,235 total views

March 11, 2020, 3:39PM

Mula sa malakihang aktibidad, ipagdiriwang ngayong taon sa pamamagitan ng Social Media ang Earth Hour 2020.

Ang Earth Hour ay inisyatibo ng grupong World Wide Fund for Nature – isang international non-government organization na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan kung saan isa sa mga media partner ang Radio Veritas.

Ayon kay Atty Gia Ibay, ang Earth Hour Philippines National Director and concurrent head of WWF-Philippines’ Climate and Energy Program, bago pa man magkaroon ng banta ng COVID-19 sa bansa, napagdesisyunan na ng grupo ang digital celebration ng taunang Earth Hour.

“This year, we are going digital, because we’ve seen the power of what the social media and the digital platform can really bring Earth Hour in getting our reach across. It’s not just gathering people physically but also be able to reach worldwide.” pahayag ni Ibay.

Tema ngayong taon ang #ChangeTheEnding na naglalayong hikayatin ang mga Filipino na gumawa ng mga hakbang para solusyunan ang kasalukuyang problema sa kalikasan.

Binibigyang diin din nito na bagama’t malaki na ang epekto ng mga makamundong gawain sa pagkasira ng kalikasan ay hindi pa rin huli para kumilos at baguhin ito.

Taong 2007 nang unang isagawa ang programa sa Sydney Australia, at 2008 naman nang ilunsad ito sa Pilipinas.

Noong 2019 mahigit 17,900 mga institusyon at establisyimento kabilang na ang mga simbahan mula sa 188 mga bansa ang nakiisa sa pagpatay ng kuryente.

Ngayong ika-28 ng Marso, ipagdiriwang ang ika-13 taon ng Earth Hour na may temang change the ending.

Hinihikayat ng grupo ang mga Filipino na makiisa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga online content at gamitin ang mga hashtags na #EarthHour2020, #Connect2Earth at #ChangeTheEnding.

Maari ring bisitahin ang mga social media accounts ng WWF-Phillipines sa www.earthhour.org at sa wwf.org.ph

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 178,887 total views

 178,887 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 209,110 total views

 209,110 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 235,756 total views

 235,756 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 330,729 total views

 330,729 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 340,168 total views

 340,168 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 135,726 total views

 135,726 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 303,965 total views

 303,965 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top