Pahayag ni PRRD kay Cardinal Tagle: Maling paratang!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total reads

March 11, 2020, 12:56PM

Inihayag ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na malaki ang tiwala ng Kanyang Kabanalan Francisco kay Cardinal Luis Antonio Tagle na magampanan ang bagong tungkulin nito sa isa sa mahahalagang tanggapan ng Simbahang Katolika.

Ayon sa obispo ang Cardinal ay nagtataglay ng kababaang loob at katapatan sa mgha tungkuling iniatang sa kanyang pangangalaga partikular ang pagiging Prefect for the Congregation of the Evangelization of Peoples.

“Cardinal Tagle enjoys Pope Francis’ trust and confidence. He is a model of humility, kindness, integrity and holiness,” pahayag ni Bishop Uy.

Ang pahayag ng obispo ay kasunod ng mga alegasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na inalis ng Santo Papa si Cardinal Tagle bilang arsobispo ng Maynila dahil sa pakikisangkot sa pulitika.

Sa talumpati ng pangulo sa isang pagtitipon sinabi nitong ikinagalit ni Pope Francis ang pangingialam ng Cardinal sa usaping pulitikal sa bansa kaya inilipat ito sa Vatican.

Ayon naman kay Fr. Jerome Secillano, ang Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng CBCP, malinaw na pang-iintriga lamang ang mga pahayag ng punong ehekutibo laban kay Cardinal Tagle.

“Insinuating something on the reason for his appointment to a Vatican post apart from his qualities and capability to lead that position is simply twisted and reeks of intrigue,” ayon kay Fr. Secillano.

Disyembre ng nakalipas na taon nang italaga ni Pope Francis si Cardinal Tagle bilang Prefect for the Congregation of the Evangelization of Peoples na isang mahalagang tanggapan sa Vatican na mangangasiwa sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon.

Binigyang diin naman ni Bishop Uy na dapat ipagmalaki ng bawat Filipino ang pagkakatalaga ng Cardinal sa Vatican sapagkat patunay ito sa kakayahan ng mga Filipino na maglingkod sa pandaigdigan.

“Every Filipino (regardless of religion) should be proud of him; I am a personal witness to his exemplary intelligence and Christian virtues,” saad ni Bishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 8,780 total reads

 8,780 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 95,559 total reads

 95,559 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 132,932 total reads

 132,932 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 164,193 total reads

 164,193 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 236,580 total reads

 236,580 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top