Magtiwala sa Diyos sa kabila ng krisis dulot ng COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 672 total reads

Higit na magtiwala sa Diyos sa gitna ng mga bantang kinakaharap sa lipunan.

Ito ang binigyang diin ni Reverend Father Arlo Yap sa pagninilay sa misang ginanap sa Radio Veritas Chapel nitong Huwebes, ika-12 ng Marso.

Ayon sa pari nawa’y matutuhan ng bawat mamamayan ang pakikinig at pagsunod sa mga payo na ibinibigay ng mga eksperto hinggil sa corona virus disease 2019 (COVID 19) dahil marahil ito ang paraan ng Diyos upang maiadya ang sangkatauhan sa pagkahawa ng nasabing sakit.

“Walang pinakamagandang gawin bilang tiwala sa Diyos; pakinggan natin ang sinasabi ng mga taong may kredibilidad,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Yap.

Unang pinagtuunan ng pansin ni Fr. Yap ang payo na ugaliin ang paghuhugas ng kamay, paggamit ng 70% alcohol hand sanitizer at maging ang pagsunod sa mga panuntunang inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang pag-iingat sa kalusugan ng mga mananampalataya.

Ibinahagi ng pari na mas pinalalalim sa kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 sa buong mundo ang pananalig at pagtitiwala sa Diyos na marahil sinusubok lamang ng Panginoon ang puso ng bawat tao kaya’t mahalagang manatiling nakakapit sa Kanya.

“Kung tayo’y may inaasahan sa Diyos, don’t give up your faith,” dagdag pa ng pari.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health nasa 49 na ang nagpositibo ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan dalawa na ang nasawi dahil sa komplikasyon habang higit sa 700 naman ang patuloy na inoobserbahan.

Giit ni Fr. Yap na maaring nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng mga eksperto na maaring makatulong sa bawat isa upang makaligtas sa pagkahawa ng virus.

“Posibleng ang mga warning na ibinibigay ng mga eksperto ay boses ng Diyos,” ayon pa kay Fr. Yap.

Patuloy ang paalala ng Simbahang Katolika sa mamamayan na manatiling alerto at sundin ang payo ng mga kinauukulan at higit ipinalangin sa Diyos ang kaligtasan ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 9,805 total reads

 9,805 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 96,505 total reads

 96,505 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 133,878 total reads

 133,878 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 165,139 total reads

 165,139 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 237,483 total reads

 237,483 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top