Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Action plan ng Pangulong Duterte sa Covid-19 pandemic, nais marinig ng obispo sa SONA

SHARE THE TRUTH

 424 total views

July 22, 2020-2:05pm

Mga ginawa at gagawin ng pamahalaan bilang tugon sa pandemyang nararanasan ng Pilipinas ang nais na marinig ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo sa nakatakdang ika-5 State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa obispo, ito ang pangunahing suliranin ng bansa sa kasalukuyan na nagbunsod na rin sa krisis sa ekonomiya, trabaho at sa sektor ng edukasyon.

“At hindi lang ito maliit na problema. Kasi iba pa iyong mga nagugutom na, iba pa iyong mga nawalan ng trabaho. Iba’y nawalan ng kinabukasan. At dahil dito ay pati ang kabataan ay tinatamaan dahil sa pag-aaral nila, at sa trabaho, iyong mga nag-graduate, Di makakita ng trabaho. Kaya malaki ang problema na dapat pagtuunan, at sana, may solusyon ang gobyerno sa mga pangyayaring ito,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.

Kinondena rin ng obispo ang kasalukuyang tugon ng pamahalaan na paglalagay ng pulis at militar sa krisis pangkalusugan na hindi naman matutugunan ng baril at bala kundi ang pagbibigay ng tamang kaalaman sa publiko.

Ayon sa obispo, iginigiit ng gobyerno na pasaway ang mga Filipino na siyang dahilan ng pagdami ng nahahawaan ng Covid-19.

Tulad na lang dito ang naging tugon ng pamahalaan sa problema ng ilegal na droga na hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa bansa sa kabila ng higit sa 30-libong napatay na may kinalaman sa droga.

“Hindi ba nangako siya noong bago mag-eleksyon, na magreresign siya after six months kung hindi matanggal iyong droga. Four years na, pero andiyan parin. Hindi naman bumawas after having killed around 30,000 na mga tao. Andiyan parin,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ayon sa obispo ang ilegal droga ay isa lamang sa mga pangakong hindi naisakatuparan ng pangulong Duterte, bukod pa ang matagal ng usapin ng kahirapan at kawalan ng trabaho ng Filipino.

Una na ring inanyayahan ni Bishop Pabillo ang mga publiko na makiisa sa panalangin sa isasagawang Mass for Justice and Peace sa araw ng pag-uulat sa bayan ng Pangulo sa Lunes.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 28,340 total views

 28,340 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 37,008 total views

 37,008 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 45,188 total views

 45,188 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 40,880 total views

 40,880 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 52,930 total views

 52,930 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top