Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Administrasyong Marcos, hinamon ng simbahan na ipatigil ang reclamation at seabed quarrying

SHARE THE TRUTH

 30,331 total views

Hinamon ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pamahalaan na maglunsad ng mga kongkretong hakbang na mangangalaga sa mga karagatan at mga pamayanan sa baybayin.

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, hindi sapat ang mga pahayag lamang hinggil sa pangangalaga sa kalikasan lalo na sa mga karagatan.

Inihayag ni Bishop Alminaza na nararapat ipakita ng gobyerno ang mga tunay na hakbang at programa na mangangalaga sa baybaying dagat at mga pamayanang malapit ditto.

Tinukoy ni Bishop Alminaza ang reclamation, river dredging, at seabed quarrying activity sa buong bansa, na nagdudulot ng pangamba sa mga pamayanan dahil sa surilanin at pinsala sa kabuhayan ng mga mangingisda, marine ecosystem, at katiyakan sa pagkain.

“People woke up to find dredging ships in their waters, with no prior warning or explanation. Dredging ships have repeatedly damaged fishing gear, leaving families unable to earn their living. The extraction activities are decimating marine life. This not only affects the food security of coastal communities but also disrupts the delicate balance of the entire ecosystem.” pahayag ni Bishop Alminaza.

Noong Enero ay nagpadala ng liham at joint statement ang Caritas Philippines at Alyansa Tigil Mina kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pamamagitan ni House Speaker Martin Romualdez na nanawagan sa agarang pagpapalabas ng executive order upang tuluyang mahinto ang lahat ng reclamation at seabed quarrying activity sa buong bansa.

Nakasaad sa pahayag na mahalagang maipatupad ang suspensyon hanggang sa makumpleto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kumprehensibong pagsusuri sa mga epekto sa kalikasan at lipunan ng mga ganitong uri ng proyekto.

Binigyang-diin ng grupo ang pinsala sa mga baybayin ng Zambales, Bataan, at Cavite, kung saan nagpapatuloy ang sand mining, river dredging, at seabed quarrying sa kabila ng anunsyo ni Pangulong Marcos na pagpapahinto sa Manila Bay reclamation projects noong Agosto 2023.

“These activities threaten the very resilience of our coasts, making them more susceptible to flooding, erosion, and the impacts of climate change.” paliwanag ni Bishop Alminaza.

Umaasa ang obispo na dinggin ng pamahalaan ang patuloy na panawagan ng mga makakalikasang grupo, lalo’t higit ang mga apektadong pamayanan upang mahinto na at mapapanagot ang mga opisyal ng pamahalaan at pribadong sektor na may kinalaman sa mga mapaminsalang proyekto sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,480 total views

 73,480 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,475 total views

 105,475 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,267 total views

 150,267 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,214 total views

 173,214 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,612 total views

 188,612 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 709 total views

 709 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,771 total views

 11,771 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,531 total views

 6,531 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top