AFP at PNP personnel, ipinagdarasal ng Military Ordinariate of the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total reads

August 6, 2020, 2:22PM

Tiniyak ng Military Ordinariate of the Philippines ang pananalangin para sa kaligtasan at kapakanan ng mga alagad ng batas na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio, bukod sa mga pulis ay ipinagdarasal din ng M-O-P ang lahat ng puwersa ng pamahalaan na lantad sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Ipinaliwanag ng Obispo na maituturing silang mga frontliners na nakikibahagi sa pagsugpo ng COVID-19 pandemic sa bansa sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga safety health protocols at iba pang alintuntunin bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19.

“Dinadasal namin ang aming mga police officers lalong lalo na yung nakaroon ng COVID-19, nadapuan ng COVID-19, hindi lang yung police officers yung military at ibang branch of service under sa Military Ordinariate sila ay nagbibigay ng kanilang sarili upang masugpo itong COVID-19 sa pamamagitan ng kanilang pag-implement ng protocols, ng health protocols…” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radyo Veritas.

Batay sa pinakahuling datos ng PNP Health Service noong ika-5 ng Agosto, umaabot na sa 2,347 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police kung saan 11 na ang nasawi habang nasa 1,384 naman ang gumaling.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa sa paggabay sa buhay espiritwal ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 16,341 total reads

 16,341 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 75,787 total reads

 75,787 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 161,154 total reads

 161,154 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 207,890 total reads

 207,890 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 255,761 total reads

 255,761 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 356,017 total reads

 356,017 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top