Agri-graduates, tumanggap ng lupa mula sa DAR

SHARE THE TRUTH

 419 total views

Tumanggap ng lupa ang 44 na kabataan sa Luzon mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Pinangunahan ni Agrarian Secretary John Castriciones ang pamamahagi ng Certificate of Landownership Award (CLOA) sa DAR44 kung saan mas hinikayat ang kabataan pagyabungin at pagyamanin ang lupa na ipinagkaloob ng gobyerno.

“Mahalagang bigyan natin ng pansin ang sektor ng agrikultura dahil ito ang magpapayaman ng ating bansa, kung malakas ang ating agrikultura, lalago rin ang ating ekonomiya,” bahagi ng pahayag ni Castriciones sa panayam ng Radio Veritas.

Ang mga ipinamahaging lupa sa DAR44 ay sa ilalim ng Executive Order no. 75 na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019 na ipamigay ang mga Government Owned Lands sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Ang DAR44 ang kauna-unahang batch ng mga estudyante na tumanggap ng tig-isang ektaryang lupa makaraang lagdaan ni Castriciones ang Administrative Order no. 3 noong Nobyembre.

Naniniwala ang kalihim ng DAR na sa pamamagitan ng pagkakaloob ng lupa sa mga kabataang magtatapos ng agrikultura ay makatutulong upang mas mahikayat ang mga kabataan na magpursiging kumuha ng kursong may kaugnayan sa agrikultura.



Isinagawa ang awarding ng CLOA sa DAR compound sa Quezon City na dinaluhan ng mga kawani ng kagawaran, ilang kinatawan mula sa Department of Agriculture, Bataan First District Representative Geraldine Roman, Rep. Teodoro Montoro ng AASENSO Party list, Lal-lo Cagayan Mayor Oliver Pascual at iba pa.

Bukod sa lupa, tatanggap din ang ‘agrarian reform beneficiaries’ ng tulong mula sa DAR at iba pang ahensya ng gobyerno para matiyak na mapapaunlad ang lupain at magamit sa pagtatanim ng pagkain.

Bilang suporta ng simbahan sa adhikain ng pamahalaan, may 1,000 scholars naman ang Caritas Manila na tinutulungan upang makapagtapos sa kursong agri-business.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,956 total views

 24,956 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,961 total views

 35,961 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,766 total views

 43,766 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,316 total views

 60,316 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 76,045 total views

 76,045 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 2,052 total views

 2,052 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top