466 total views
Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gagamiting pagkakataon ng mga Kristiyano, Muslim, Lumad at iba pang denominason ang paggunita ng ‘World Interfaith Harmony Week’ upang makabuo ng pagkakaibigan sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala at pananampalataya.
Ito ang mensahe ni Fr. Sebastiano D’Ambra, PIME-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission for Interreligious Dialogue kung saan inalala ng Pari ang mga naging biktima ng Marawi siege 2017 na nag-iwan ng malawakang pinsala sa lungsod.
Ayon kay Fr. D’Ambra, natatangi ang paggunita ng World Interfaith Harmony Week ngayong taon dahil sa hamong maipamalas ang pagmamalasakit sa kapwa sa kabila ng mga umiiral na limistasyon dulot ng pag-iingat mula sa COVID-19.
“This is the World Interfaith Harmony Week and this message is specially for our friends in the area of Marawi that have been affected by the war, the siege that we know and painful still in that area its visible what happened but also in the heart. This activity is an occasion where you people in that area meet together and build friendship Muslim, Christian and talk together about the importance of the love of God, the love of your neighbor in this World Interfaith Harmony Week that we are celebrating now.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. D’Ambra. Giit pa ng pari, “It’s a special celebration this year because of COVID-19 with all the limitation but our hearts are not limited to love.”
Paliwanag ni Fr. D’Ambra, higit na dapat na mangibabaw ang kabutihan sa gitna ng paglaganap ng mga mapang-abuso sa kapwa kung saan nagsisimula ang biyaya ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kabutihan sa kapwa maging sa kabila ng pagkakaiba-iba sa paniniwala at pananampalataya.
Pagbabahagi pa ng Pari, ang diwa ng World Interfaith Harmony Week ay upang mabuksan ang isip ng bawat isa kaugnay sa kahalagahan ng pagsusulong sa common good para ipahayag ang pag-ibig sa Panginoon at sa kapwa.
“If, you are a model and example with the grace of the Lord your voices become powerful, hopefully more powerful to the voice of the powerless, to the voice of goodness that is the spirit of the World Interfaith Harmony Week that is the love of God, the love of neighbor and the love of common good.” Dagdag pa ni D’Ambra.
Ang World Interfaith Harmony Week ay taunang ginugunita tuwing unang linggo ng Pebrero na nagsimula noong 2010 na ang layuning isulong ang pagkakasundo at pagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang relihiyon.
Ngayong taon, higit na naging makabuluhan ang paggunita ng World Interfaith Harmony Week dahil na rin sa pagkakatatag at deklarasyon ng International Day of Human Fraternity tuwing ika-4 ng Pebrero na hango sa nilagdaang dokumento ng Kanyang Kabanalan Francisco at Grand Imam of Al-Azhar, Ahmad al-Tayyeb noong February 4, 2019 na may titulong “Human fraternity for world peace and living together”.