Pagpapabakuna laban sa Covid-19, kailangan nang matapos ang ‘community quarantines’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 661 total reads

Muling hinikaya’t ng Filipino Dominican priest na isang ‘Molecular Biologist’ ang mga mananampalataya na magpabakuna bilang pananggalang mula sa nakamamatay na novel coronavirus.

Ayon kay Fr. Nicanor Austriaco, OP-visiting professor ng Biological Sciences sa University of Santo Tomas, ito ay para sa kaligtasan hindi lamang ng sarili gayundin ng ating mahal sa buhay lalu ang mga kabataan at nakatatanda mula sa pandemya.

“So, the only way out of this pandemic is really to have a robust vaccination strategy for the entire country,” ayon kay Fr. Austriaco sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Si Fr. Austriaco na nakabase sa Estados Unidos ay nakatanggap na rin ng kanyang ikalawang dose ng bakuna laban sa Covid-19 noong Pebrero.

“The only way, we will stop having quarantines is if we are able to vaccinate up to 70-75 percent of the entire Philippines, which is about all the adults in the Philippines. So, if we are not able to vaccinate all of these people then our children will not able to go to school for another year and our Lolo’s and our Lola’s will still be in their homes for another year,” ayon pa sa pari.

Ayon sa pari na nakumpleto na ang ikalawang dose ng bakuna, tulad ng kanyang karanasan ay karaniwan na ang makaramdam ng ‘side effects’ na siyang pangunahing alalahanin at pangamba ng publiko na magpabakuna.

Giit ng pari ang mga side effects ay pansamantala lamang at palatandaan din na gumagana ang gamot sa ating katawan.

Sa resulta ng Veritas Truth Survey (VTS), may 67-porsiyento ng mga sumagot sa survey ang hindi sang-ayon na magpabakuna.

Paliwanag ni Fr. Austriaco, ang pagpapabakuna ay ang tanging paraan upang matapos ang mga umiiral na community quarantines ay makabalik sa karaniwang pamumuhay ang publiko.

“And herd immunity is where the people who lived with Lolo’s and Lola’s plus the people who lived around them vaccinated to prevent the virus from getting close to them,” ayon pa sa panayam.



Ayon sa pari, bukod sa hindi garantiya na hindi na mahahawa ng sakit ang matatanda, hindi rin aprubado ang bakuna para sa mga batang edad gayundin sa mga nagtataglay ng malubhang sakit.

Ayon pa kay Fr. Austriaco sa kasalukuyan ay may 110-milyong katao na sa buong daigdig ang nakatanggap ng bakuna kontra covid-19 o katumbas ng apat na milyong binabakunahan kada araw.

Sa Pilipinas, kailangang mabakunahan ang 70 hanggang sa 75-milyong katao o 75-porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa.

Sa kasalukuyan patuloy na umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa iba’t ibang bahagi ng pilipinas bilang pag-iingat sa patuloy na pagkalat ng Covid-19.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 3,217 total reads

 3,217 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 144,563 total reads

 144,563 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 179,240 total reads

 179,240 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 197,094 total reads

 197,094 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 233,579 total reads

 233,579 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 243,374 total reads

 243,374 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top