Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Ako’y isang dayuhan at inyong pinatulóy”

SHARE THE TRUTH

 308 total views

Mga Kapanalig, nang inilarawan ni Hesus sa Kanyang mga alagad ang paghuhukom—isang yugtong mababasa natin sa Mateo 25:31-45—sinabi niya: “Tandaan ninyo, nang pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa mga pinakahamak, ako ang inyong pinagkaitan.” Kasama sa mga binanggit Niyang pinakahamak ay ang mga dayuhan. “Sapagkat ako’y isang dayuhan at inyong pinatulóy,” sasabihin ng Anak ng Tao sa mga nasa kanan ng kanyang trono. 

Oktubre noong isang taon nang hilingin ng Estados Unidos na pansamantalang tanggapin ng Pilipinas ang mga refugees mula sa bansang Afghanistan. Kung inyong matatandaan, bumalik sa kapangyarihan ang Taliban sa Afghanistan matapos umatras doon ang tropang Amerikano noong 2021. Ang Taliban ay kilala sa kanilang istriktong interpretasyon ng Sharia law na sanhi naman ng paglabag sa mga karapatang pantao lalo na ng mga babae.  

Ang hiling ng gobyernong US sa ating pamahalaan: patirahín muna rito ang nasa 50,000 Afghans sa loob ng hindi bababa sa dalawang buwan. Ang mga Afghans na ito ay mga dating empleyado ng gobyernong US, at ang pagtira nila sa Pilipinas, kung sakaling matutuloy, ay habang pinoproseso ang special immigrant visas upang makapasok naman sa Amerika. Sasagutin daw ng Amerika ang magiging gastos ng mga refugees katulad ng kanilang pagkain at tirahan.

Sa isang pagdinig ng Senado noong nakaraang buwan, may mga mambabatas tayong nagdadalawang-isip sa hiling na ito ng Amerika. Hindi raw kaya magiging espiya ng Amerika ang mga refugees? Tanong iyan ng kapatid ni Pangulong BBM na si Senadora Imee Marcos. Para naman sa National Bureau of Investigation at National Intelligence Coordinating Agency, maaaring maging banta ang mga dayuhan sa ating seguridad, lalo na sa mga lugar na maraming Muslim. Baka may mahalo raw na mga terorista sa mga refugees na nais ng Amerika na papasukin sa ating bansa. Mas matigas naman ang pagtutol ni Vice President Sara Duterte. Mistulang panghihimasok daw ang gustong mangyari ng Amerika sa ating kapangyarihang piliin kung sinu-sino ang mga pwedeng pumasok sa Pilipinas.

Nakalulungkot ang mga pahayag na ito, lalo na’t mayroon tayong mahabang kasaysayan ng pagkupkop sa mga dayuhang dahil sa giyera at pag-uusig ay nais umalis sa kanilang lupang sinilangan. Noong World War II, tumanggap tayo ng mahigit sanlibong Jewish refugees. Noong dekada ’70 naman, tinanggap natin ang mga tinaguriang “boat people” mula sa Vietnam na nais takasan ang giyera doon. Nasa mahigit 400,000 na refugees ang kinupkop noon ng Pilipinas. Mula 2017 naman, nagsimulang tumanggap ang ating bansa ng mga Rohingya refugees na pinagmamalupitan ng gobyerno ng Myanmar. Naging santuwaryo ng mga dayuhang ito ang ating bansa, at marami nga sa kanila ang nagkaroon na rito ng tahanang matatawag. 

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pormal na sagot ang ating pamahalaan sa hiling Amerika. Hindi maiiwasang may mag-alalá para sa ating seguridad. Hindi rin masisisi ang mga nagsasabing ginagawa tayong kasangkapan ng Amerika para sa kaguluhang sila mismo ang nagsimula sa Afghanistan. Hindi rin daw ba pagkukunwari ang pagtanggap sa mga refugees gayong dito mismo sa atin, may mga kababayan tayong hindi tinatanggap ng kanilang kapwa? 

Matapos ang pagbabalik sa kapangyarihan ng Taliban, nanawagan noon si Pope Francis sa mga bansang pagbuksan ng pinto ang mga Afghans na naghahanap ng kanlungan. Ito ay panawagang nagmumula sa pagpapahalaga ng ating Simbahan sa dignidad ng tao, sa kapayapaan, at sa pagkakapatiran. 

Mga Kapanalig, ipagdasal nating maliwanagan ang ating mga lider sa usaping ito. Makita sana nila ang pangangailangan sa madaliang pagkilos upang tulungan ang mga dayuhang nais lamang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay. Maging instrumento sana tayo ng pagtataguyod ng dignidad ng tao, kahit pa ng mga dayuhan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 10,317 total views

 10,317 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,798 total views

 17,798 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,938 total views

 30,938 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,911 total views

 36,911 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 42,665 total views

 42,665 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 10,318 total views

 10,318 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,799 total views

 17,799 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 30,939 total views

 30,939 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 36,912 total views

 36,912 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 42,666 total views

 42,666 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,830 total views

 40,830 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,914 total views

 41,914 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,295 total views

 37,295 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,299 total views

 49,299 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,341 total views

 57,341 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,898 total views

 48,898 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,323 total views

 47,323 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,109 total views

 49,109 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,034 total views

 46,034 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,348 total views

 60,348 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top