Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Aktor na si Leonardo Di Caprio, nananawagang pangalagaan ang Masungi Geopark

SHARE THE TRUTH

 13,952 total views

Nakikiisa si Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa panawagang pangalagaan ang Masungi Geopark Project laban sa mga mapaminsalang pag-unlad na nakakaapekto sa itinuturing na protected area.

Sa instagram post, hinikayat ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kumilos upang mapaigting at maipagpatuloy ang hangaring mapangalagaan Masungi Geopark laban sa mga pinsalang dulot ng tao.

“Join local rangers in calling on President [Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.] to intervene and continue to protect Masungi. Conservation successes like Masungi serve as a reminder that the Philippines can become a leader in sustainability, eco-tourism, biodiversity protection, and climate action,” ayon kay DiCaprio.

Nababahala ang aktor dahil ang tagumpay na nasimulan upang mapangalagaan ang Masungi Geopark ay nanganganib dahil sa banta ng Department of Environment and Natural Resources na bawiin ang kasunduan na nagbibigay proteksyon laban sa mga nangangamkam ng lupa.

Matatagpuan sa lalawigan ng Rizal, ang Masungi Geopark Project na may lawak na 2,700 ektarya ay isang award-winning conservation initiative na naglalayong ibalik ang isang mahalagang bahagi ng Upper Marikina Watershed.

Gayunman, nanganganib ito dahil sa pahayag ni Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga na binabalak kanselahin ang 2017 Memorandum of Agreement sa pagitan ng Masungi Georeserve Foundation at ng DENR.

“This cancellation would set back the success of an internationally acclaimed conservation effort and leave the area vulnerable again to mining, logging, and illegal developments,” saad ni DiCaprio.

Pinarangalan ang Masungi Georeserve sa 2024 World Economic Forum sa Davos, Switzerland, at iginawad din ang 2022 United Nations Sustainable Development Goals Action Campaign Inspire Awards dahil sa natatanging pangangalaga at pagpapanumbalik ng kalikasan.

Una nang nagpahayag ng suporta ang Caritas Philippines sa Masungi Georeserve Foundation, at nanawagan sa pamahalaan na magkaroon ng maayos na pakikipag-diyalogo para baguhin ang desisyon sa pagbawi sa kasunduan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 6,236 total views

 6,236 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 17,719 total views

 17,719 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 33,408 total views

 33,408 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 34,200 total views

 34,200 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 44,089 total views

 44,089 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top