VeritasPH

The Word, The Truth

 694 total views

Homiliya Para sa Kapistahan ng Sagradong Puso ni Hesus, Ika-24 ng Hunyo, 2022, Luk 15:3-7

Sa tuwing tinitingnan ko ang larawan ng Sagradong Puso ni Hesus, ang pumapasok sa isip ko ay isang linya mula sa ating Pambansang Awit, ang LUPANG HINIRANG. Palagay ko ito ang dahilan kung bakit ipinapatong pa natin ang ating kanang kamay sa dibdib, para siguro mas maramdaman natin ang kinakanta natin: ALAB NG PUSO SA DIBDIB MO’Y BUHAY.

Ang kakaibang imahen na ito ni Hesus ay may pusong hindi nakatago kundi nakalantad upang ating mapagmasdan. May nakapulupot na tinik, may sugat na nagdurugo sa tagiliran, ngunit napapalibutan ng maningning na liwanag. Nagliliyab ito, at sa ibabaw ng apoy ay may kahoy na panggatong, na hugis krus. Ito ang ating mga tipikal na larawan ng Sagradong Puso ni Hesus.
 

 
Siyempre hindi naman ito literal. Wala namang taong may ganitong nakalantad na puso. Ito’y isang pangungusap na matalinghaga tungkol sa pag-ibig ng Diyos na nahayag sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Hesus ng Nazareth na ating nakilala bilang Anak ng Diyos at ating Manunubos.

Kaya siguro kapag umaawit tayo ng Lupang Hinirang, kinakapa natin ang ating dibdib. Para bang ito ang gustong itanong sa atin ng Panginoon sa araw na ito: MAY ALAB PA BA ANG IYONG PUSO? Mahalagang tanong sa bawat taong nabubuhay dito sa mundo.
 

 
Hindi kasi lahat ng puso ay may alab. At kahit meron, hindi rin habang panahon na ang alab ng puso sa dibdib natin ay buhay. Paano mo malalaman?

Kapag tulad ng Pastol, hindi ka susuko sa paghahanap sa isang nawawalang tupa, kahit mayroon pang 99 na natitira sa iyo. Sa kuwento ng Bibliya, dumaraing daw ang bayang Israel sa pagkaalipin nang unang marinig ni Moises ang tawag ng Diyos. Nagpapastol siya. Palagay ko hinahanap niya ang isang nawawalang tupa kaya napadpad siya sa bundok ng Panginoon at nakita niya ang isang punongkahoy na nagliliyab. Hindi niya alam na ang nakatagpo niya ay ang Sagradong Puso ng Diyos na nag-aalab sa malasakit para sa kanyang bayan. Narinig daw niya ang ganito:

“Nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan. Ramdam ko ang kanilang pinagdadaanan at alam kong sila’y hirap na hirap. Kaya ako bumaba upang iligtas sila.” Pangungusap ito ng Diyos na Pastol na hindi mapakali dahil sa malasakit niya para sa kanyang kawan. Ito rin ang narinig natin sa unang pagbasa. Ayon kay propetang Ezekiel, ito ang pahayag ng Diyos:

“Hahanapin ko ang mga nawawala, ibabalik ko ang naliligaw ang landas, kakalingain ko ang mga sugatan, hihilumin ko ang mga maysakit…”

Parang ganito rin ang mensahe ng Diyos nang unang kausapin siya ni Moises na pilit tumatakas sa nararamdaman niyang sakit kapag nakikita niyang nasasaktan ang mga aliping Hebreo. Para bang sinasabi ng Diyos, “Moises, kapain mo ang puso mo. May alab ka bang nararamdaman? Iyan ang nararamdaman ko para sa aking bayan, at hindi ako mapapayapa hangga’t hindi ko sila napapalaya sa pagkaalipin.
 

 
Alam mong ang Diyos ay nasa loob mo kapag may nararamdaman kang sigasig para sa isang dakilang layunin, kapag naghahangad ka ng kabuluhan sa buhay, kapag naghahanap ka ng pag-aalayan ng buo mong pagkatao. Alam mong nag-aalab sa loob mo ang pag-ibig ng Diyos kapag malakas ang loob mo para sa adhikain para sa tama, mabuti at totoo. Kapag pursigido ka, kahit parang imposible, kapag buo ang loob mo kahit sa gitna ng mga pagsubok, kapag tulad ng Diyos, natututunan mong umibig nang wagas, tapat at walang kundisyon.

Ang maalab na puso ng Diyos na nagparamdam kay Moises sa anyo ng punongkahoy na nagliliyab ang siya ring nakita ng mga unang alagad kay Hesus, lalo na nang siya’y ipinako sa isang punongkahoy, sugatan at nagdurugo ngunit nagniningning. Sabi nga ni San Pablo sa ating pangalawang pagbasa, “Pinatunayan ni Kristo ang pag-ibig niya sa atin nang, kahit pa tayo’y nagkasala ibinuwis pa rin niya ang buhay niya para sa atin.”

Ang mungkahi kong idalangin natin kapag tayo’y nakatitig sa Sagradong Puso ni Kristo ay ito:
 

 
Panginoon, pag-alabin mo po po sa aming mga puso ang pag-ibig mo para sa amin. Ikaw na namatay nang dahil sa amin upang palayain kami sa kasalanan, tinawag mo kami upang matagpuan din namin ang aming ligaya, upang kami rin ay maging kaisa mo, laang mabuhay at mamatay nang dahil sa minamahal.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 2,160 total views

 2,160 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 18,146 total views

 18,146 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 26,191 total views

 26,191 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,271 total views

 31,271 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,977 total views

 36,977 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,621 total views

 2,621 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,037 total views

 7,037 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,363 total views

 2,363 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,886 total views

 2,886 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,385 total views

 4,385 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,229 total views

 5,229 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,484 total views

 3,484 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,697 total views

 7,697 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,930 total views

 6,930 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,142 total views

 11,142 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,590 total views

 4,590 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,594 total views

 4,594 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,594 total views

 4,594 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,586 total views

 4,586 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,586 total views

 4,586 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top