VeritasPH

The Word, The Truth

Alam ba nila ang nangyayari sa ibaba?

SHARE THE TRUTH

 313 total views

Mga Kapanalig, kayo ba ay minimum wage earner? O may kapamilya ba kayong ang iniuuwing sahod ay nasa ₱610 sa isang araw? Nagkakasya ba sa inyong pang-araw-araw na gastusin ang sahod na ito?  

Kung si Secretary Alfredo Pascual ng Department of Trade and Industry (o DTI) ang tatanungin, “pwedeng pagkasyahin” ang sahod na ito para suportahan ang mga pangangailangan ng isang pamilyang ay limang miyembro.1 Matatandaang noong isang buwan, tumaas ng kuwarenta pesos ang minimum wage sa Metro Manila sa harap ng nagtataasang presyo ng mga pangunahing bilihin katulad ng bigas, karne, at gulay. Ginamit ni Kabataan Party List representative Raoul Manuel ang pagdinig ng House Committee on Appropriations ukol sa badyet ng DTI para sa 2024 upang hamunin si Secretary Pascual na subukang pagkasyahin sa loob ng isang buwan ang suweldong natatanggap ng mga minimum wage earners.2  

Ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng Agosto na may nasambit ang kalihim ng DTI na tila ba malayo sa realidad na nararanasan ng mga ordinaryong Pilipino, lalo na ng mahihirap. Minsan na niyang pinayuhan ang mga Pilipinong mag-adjust ng kanilang diyeta at maghanap na lang ng alternatibo sa kanin. Dahil mahal ang bigas sa mga pamilihan, maaaring subukan daw ang pagkain ng kamote o puting mais na mura na, mas masustansya pa.3 Hindi naman mali si Secretary Pascual ngunit makatutulong siguro kung ang ganitong mga mungkahi ay hindi magmumula sa mga opisyal nating dapat nagtitiyak na may sapat na pagkain para sa lahat. Hindi kasama sa trabaho ng mga nasa gobyerno ang ilipat sa mga mamamayan ang paghahanap ng solusyon sa mga problemang hindi naman sila ang pangunahing sanhi o labas sa kanilang kontrol.  

May bigat ang mga salitang nagmumula sa bibig ng mga nasa pamahalaan, kaya mahalagang alam nila kung ang mga salitang sasambitin nila ay maaaring makapagpalakas o makasira ng loob ng mga tao. Paalala nga sa Mga Kawikaan 21:23, “Ang pumipigil sa kanyang dila ay umiiwas sa masama.” Kaya dapat nag-iisip nang mabuti ang ating mga lingkod-bayan bago sila magsalita. 

Alam din sana nila ang tunay na nangyayari sa ibaba ng tore kung saan sila maginhawang nag-oopisina o sa labas ng kanilang malalaking bahay kung saan sagana ang kanilang pagkain at mahimbing ang kanilang pagtulog. Sigurado naman tayong malawak ang kaalaman at karunungan ng mga pinagkatiwalaang pangasiwaan ang kanilang opisina sa gobyerno. Ngunit iba pa rin kung naririnig nila ang mga dumaraing sa ibaba, ang mga may pasakit sa buhay araw-araw, at ang mga ordinaryong mamamayang dapat na inaalalayan ng pamahalaan. Kung batid nila ang mga pinagdaraanan ng mga pinaglilikuran nila, tiyak na ang anumang manggagaling sa bibig ng mga nasa pamahalaan ay sasalamin sa kanilang malasakit. 

At ang malasakit na ito sana ang nagtutulak sa ating mga lingkod-bayang gawin ang lahat para sa kapakanan ng mga mamamayan, ang pangunahing tuon ng trabaho ng gobyerno, ayon nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan. Sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, sinabi ni Pope John XXIII na ang pinakamahalagang gawaing itinalaga sa mga opisyal ng pamahalaan ay ang pagkilala, paggalang, pagprotekta, at pagtataguyod ng mga karapatan at tungkulin ng mga mamamayan.4 

Mga Kapanalig, malaking responsibilidad ang nakaatang sa mga nagpapatakbo ng ating gobyerno. Ang kanilang mga ginagawang hakbang ay kasimbigat ng kanilang mga salita. Kaya kasabay sana ng pagpapatupad nila ng mga hakbang na makatutulong sa mga mamamayan—lalo na sa mahihirap—na magkaroon ng nakabubuhay na sahod at ng kakayanang makabili ng sapat na pagkain, maging maingat at sensitibo rin sana ang ating mga lingkod-bayan sa mga salitang kanilang sasambitin sa publiko. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 12,923 total views

 12,923 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 20,968 total views

 20,968 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 26,048 total views

 26,048 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,754 total views

 31,754 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 40,542 total views

 40,542 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 12,924 total views

 12,924 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 20,969 total views

 20,969 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 26,049 total views

 26,049 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,755 total views

 31,755 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 40,543 total views

 40,543 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,756 total views

 40,756 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,070 total views

 55,070 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,760 total views

 58,760 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,363 total views

 57,363 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,350 total views

 67,350 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,318 total views

 71,318 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,205 total views

 82,205 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,644 total views

 94,644 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,402 total views

 105,402 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,655 total views

 52,655 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top