Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ecumenical, inter-religious at cultural dialogue, binigyan-diin ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,850 total views

Umaasa ang Santo Papa Francisco na lumaganap ang kapayapaang tinatamasa ng Mongolia sa iba’t- ibang panig ng daigdig.

Ito ang mensahe ng punong pastol sa kanyang ika – 43 apostolic journey kung saan binisita ang Mongolia sa kabila ng pagiging minorya ng mga katoliko sa lugar.

Kinilala ni Pope Francis ang pagbubuklod-buklod ng mahigit tatlong milyong populasyon sa kabila ng pagkakaiba ng tradisyon at pananampalatayang kinagisnan ng mamamayan.

Inihayag ng santo papa na kung maisakatuparan ang pagkakaisa ay tunay na makamtan ang kapayapaan sa lipunan.

“If the leaders of nations were to choose the path of encounter and dialogue with others, it would certainly be a decisive contribution to ending the conflicts continuing to afflict so many of the world’s peoples.” pahayag ni Pope Francis.

Naniniwala si Pope Francis na ang pagtataguyod at paggalang na ipinamamalas ng mamamayan ng Mongolia sa kapwa ay isang mahalagang hakbang para sa pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala.

Tinukoy nito ang makitid na pag-iisip, unliateral imposition at iba pang bagay na nakahahadlang sa pagkakapatiran at pagkakamit ng kapayapaan gayundin ang pag-iral ng materyalismo ng tao na nagdudulot ng kawalang katarungan, pang-uusig at maging pagsira ng kalikasan.

Binigyang diin ni Pope Francis na patuloy isusulong ng simbahan ang mga hakbang ng pagkakasundo para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.

“I would like to reassure you that the Catholic Church desires to follow this path, firmly convinced of the importance of ecumenical, interreligious and cultural dialogue. Her faith is grounded in the eternal dialogue between God and humanity that took flesh in the person of Jesus Christ.” giit ng santo papa.

Tema ng pagbisita ni Pope Francis sa Mongolia ang ‘Hoping Together’ na layong maisulong ang sama-samang paglalakbay ng simbahan at pamahalaan.
Si Pope Francis ang kauna-unahang lider ng simbahang bumisita sa Mongolia na may 1, 500 katoliko mula sa mahigit tatlong milyong populasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 21,140 total views

 21,140 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 36,836 total views

 36,836 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 45,236 total views

 45,236 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 109,531 total views

 109,531 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 175,665 total views

 175,665 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top