Pinagtibay ng Caritas Philippines ang kanilang pangako sa transparency at pananagutan matapos magsama-sama ang iba’t ibang programa at tanggapan nito upang talakayin at repasuhin ang panukalang badyet nito para sa taong 2026.
Sa isinagawang budget review ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na pinangunahan ni Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, nakatuon ang talakayan sa paglalaan ng pondo upang higit na mapalakas ang pagpapatupad ng pitong Alay Kapwa Legacy Programs and Offices na nagsisilbing pangunahing haligi ng kanilang mga inisyatibo para sa mga nangangailangan.
Ayon sa Caritas Philippines, ang sama-samang prosesong ito ay mahalaga upang mapatatag ang transparency, accountability, at epektibong pagpaplano, na siyang magtitiyak na patuloy na magkakaroon ng makabuluhang epekto ang kanilang mga programa sa iba’t ibang komunidad.
“Caritas Philippines programs and offices came together to present and review the proposed 2026 budget, focusing on strategic resource allocation to support our 7 Alay Kapwa Legacy Programs and Offices. This collaborative session strengthens transparency, accountability, and effective planning, ensuring our initiatives continue to make a meaningful impact. Together, we reaffirm our commitment to use every resource wisely, serving communities in need with compassion, integrity, and heart.” Bahagi ng paghayag ng Caritas Philippines.
Sa pamamagitan ng talakayan sa badyet ng organisasyon ay muling pinagtibay ng Caritas Philippines ang kanilang misyon na gamitin nang wasto ang bawat yaman at mapagkukunan upang makapaglingkod sa mga mahihirap at nangangailangan nang may malasakit, integridad, at pusong handang maglingkod.




