Digital transformation program, inilunsad ng Diocese of Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 464 total views

Pormal nang inilunsad ng Diocese of Tagbilaran ang digital transformation program nito bilang bahagi ng pagpapalawak ng misyon ng lokal na simbahan sa Bohol sa makabagong panahon.

Sa pahayag ni diocesan administrator Fr. Gerardo Saco kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Jose, binigyang-diin nito ang layunin ng diyosesis na higit pang mapalapit ang Simbahan sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng teknolohiya.

“We intend to reach our people in the digital space, and to serve our faithful communities, domestically and abroad, more efficiently and more effectively with the use of technology,” ayon kay Fr. Saco.

Dagdag pa ng pari, ang hakbang ay paraan ng diyosesis upang tugunan ang mga kasalukuyang hamon ng panahon lalo na sa paglawak ng teknolohiya.

“We also dare to embark towards the digital transformation of our Diocese of Tagbilaran,” ani Fr. Saco.
Ang Digital Tagbilaran ay tumutukoy sa kabuuang digital transformation initiative ng diyosesis kung saan paiigtingin ang mga manual na proseso, transaksyon, komunikasyon, at filing system sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Layunin nitong gawing mas mabisa ang pamamahala ng mga parokya, tanggapan, at mga ministry ng diyosesis, gayundin ang pagpapabilis at pagpapabuti ng serbisyo sa mga mananampalataya, maging sa loob ng bansa at sa ibayong dagat.

Binigyang-diin din ng pari na ang proyekto ay dumaan sa masusing needs assessment at konsultasyon noong 2025, bago tuluyang sinimulan matapos ang pinal na koordinasyon sa Presbyterium noong February 20, 2026.

Kabilang sa unang mga inilunsad sa ilalim ng programa ang diocesan website, digital canonical books, at financial management system.

Ayon pa kay Fr. Saco ito rin ay pagpapalawak ng presensya ng diyosesis sa digital space na mag-aabot hindi lamang sa mga digital natives kundi maging sa mga tinaguriang digital migrants.

Iniuugnay rin ni Fr. Saco ang inisyatibo sa halimbawa ni San Jose na kinilala sa kanyang tahimik ngunit matatag na pagsunod sa kalooban ng Diyos sa gitna ng kawalang katiyakan.

“Today, we invoke his fatherly guidance and protection as we also dare to embark…” giit ni Fr. Saco.
Binigyang-diin nito na ang digitalization ay hindi lamang modernisasyon ng sistema kundi bahagi ng patuloy na pastoral na misyon ng Simbahan, lalo na sa mas epektibong pag-abot sa mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa pagtatapos, hinikayat ni Fr. Saco ang sambayanan na tularan ang pananampalataya ni San Jose sa pagharap sa mga bagong hamon ng ebanghelisasyon.

“May the life and inspiration of St Joseph be our light and guide as we venture farther into the deep (duc in altum) to tend the Lord’s flock in our modern times,” ayon pa ni Fr. Saco.

Sa pamamagitan ng Digital Tagbilaran, inaasahang higit pang mapapalakas ang komunikasyon, pastoral services, at pakikipag-ugnayan ng Simbahan sa mga mananampalataya sa loob at labas ng bansa.

Ang programa ay pinamumunuan ni Fr. Expedito Rubio, Jr. kasama sina Fr. Milan Ted Torralba at Fr. Marcelo Operiano, Jr. para sa Governance and Compliance Committee; Fr. Heraldin Laniba at Fr. Johnson Galaura sa Engagement and Training Committee; Fr. Joel Ruyeras at Bro. Collin Galao sa Content Management Committee; at Fr. Jofel Naraga sa Admin and Finance Committee.

Katuwang ng diyosesis sa programang digitalization ang Digital Information Systems and Technologies (DISAT) sa pangunguna ni Bro. Bong Grajo.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 9,018 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 9,124 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 71,083 total views

 71,083 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 140,799 total views

 140,799 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 172,083 total views

 172,083 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 204,096 total views

 204,096 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 352,743 total views

 352,743 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top