QUEEN, nababahala sa Atimonan coal-fired power plant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total reads

Labis ang pagkabahala ng Quezon for Environment (QUEEN) sa mabilis na pagsusulong ng panukalang 1,200-megawatt Atimonan coal-fired power plant, na matagal nang tinutulan ng mga komunidad sa loob ng higit isang dekada.

Ayon sa grupo, hindi makatwiran ang proyekto sa gitna ng lumalalang krisis sa klima at pandaigdigang tensyon na direktang nakakaapekto sa mga mamamayan, konsyumer, at mga bulnerableng sektor.

Binanggit ng QUEEN na sa kasalukuyang heopolitikal na sigalot sa Middle East, kabilang ang digmaan ng Amerika-Israel at Iran, tumataas ang presyo ng petrolyo at iba pang produktong enerhiya, na kaakibat ng galaw ng ekonomiya ng maraming bansa.

“Hindi barko o cargo vessel ang nagpapasan ng gatong, kundi ang bulsa ng walang choice na mga konsyumer,” pahayag ng grupo.

Dagdag pa rito, 67-porsyento ng enerhiya ng bansa ay nagmumula sa maruming fossil fuels tulad ng coal, oil, at gas, dahilan kung bakit kabilang ang Pilipinas sa may pinakamahal na kuryente sa Asya.

Binigyang-diin ng QUEEN ang panganib ng polusyon mula sa coal plant, kabilang ang epekto ng pagmimina, transportasyon, at pagsusunog ng maruming gatong, na ayon sa grupo ay matagal nang napatunayan sa pamamagitan ng science-based at citizen science studies na nagdudulot ng pangmatagalang pinsala sa lupa, hangin, at karagatan.

Binanggit din ng grupo na ang sunod-sunod na bagyo at super typhoons sa bansa ay malinaw na palatandaan ng krisis sa klima.

“Wala tayong mabigat na karapatang maghangad ng kaligtasan mula sa krisis na ito kung tayo mismo ang gumagatong dito,” ayon sa QUEEN.

Nanawagan ang grupo sa mga lokal at lalawigang opisyal na unahin ang kapakanan ng mamamayan, mangingisda, magsasaka, at kalikasan kaysa sa interes ng negosyo.

Ipinahayag din nila ang suporta sa ordinansang magbabawal sa panibagong coal plant at magreregula sa mga lumang pasilidad sa lalawigan, tungo sa isang ligtas, makatao, at makakalikasang enerhiya.

“Kaugnay ng pagsusulong ng ilang opisyales sa mga munisipalidad at lalawigan ng Quezon ng nakamamatay na pasilidad ng coal sa Atimonan, ano ang inyong tuntungang moral at sino na nga ba ang inyong ipinaglalaban?,” saad ng QUEEN.

Sa Laudato Si’, nanawagan si Pope Francis sa mga mambabatas na bumuo ng mga patakarang magtataguyod ng paggamit ng renewable energy kapalit ng fossil fuel, upang mabawasan ang polusyon at mapaminsalang emissions.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,906 total reads

 57,906 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,101 total reads

 137,101 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,546 total reads

 170,546 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,844 total reads

 205,844 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,025 total reads

 430,025 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,222 total reads

 157,222 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top