Alay Kapwa telethon,isasagawa sa Radio Veritas sa lunes Santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Muling hinihikayat ng Caritas Manila ang mananampalataya na makiisa at suportahan ang taunang Alay Kapwa Telethon na isinagawa ng social arm ng Archdiocese of Manila katuwang ang himpilan ng Radyo Veritas kasabay ng pagsisimula ng Mahal na Araw.

Nakatakda ang Caritas Manila Alay Kapwa Telethon 2026 sa Lunes Santo ika-30 ng Marso, 2026 kung saan tampok ang iba’t-ibang mga inisyatibo at programa ng Caritas Manila para sa mga pinakanangangailangan sa lipunan.

“I-alay mo sa kapwa ang biyayang galing sa Kanya. Mga kapanalig, Alay Kapwa Telethon 2026 na sa Lunes Santo, Marso 30! Suportahan natin ang paglilikom-pondo ng Caritas Manila na nakalaan para sa mga biktima ng sakuna.” Bahagi ng paanyaya ng Caritas Manila.

Layunin ng Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na makalikom ng pondong ilalaan sa mga pro-poor program ng Simbahan partikular na sa pagtugon sa pangangailangan at rehabilitasyon ng mga nasalanta ng iba’t-ibang kalamidad at sakuna sa bansa.

Live na mapapakinggan ang Caritas Manila Alay Kapwa Telethon 2026 mula ala-siete ng umaga hanggang ala-sais ng gabi sa Radyo Veritas DZRV 846AM at matutunghayan via livestream sa DZRV846 at Caritas Manila Facebook page, Veritas PH sa YouTube channel, at sa Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Ilan sa mga programa ng social arm ng Archdiocese of Manila ang Caritas Damayan, Feeding Program, Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP), at ilan pang mga programa na naglalayong mai-angat ang buhay ng mga pinakamahihirap sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top