CMSP-JPICC, nakikiisa sa Kalampag laban sa mataas na presyo ng langis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 309 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines – Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) sa isinagawang “Kalampag Laban sa Mataas na Presyo, Kahirapan, Pandarambong at Dinastiya” na ginanap sa Quezon City.

Ayon sa grupo, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay may direktang epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mamamayan, kabilang ang pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, at iba pang pangunahing pangangailangan at serbisyo sa merkado.

Binigyang-diin ng CMSP–JPICC na higit na naaapektuhan ng krisis ang mga manggagawa at maralitang sektor na napipilitang magbawas ng konsumo at lalong nalulubog sa kahirapan.

“Kinilala namin na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay may direktang epekto sa araw-araw na buhay ng mamamayan. Ang pagtaas nito ay kaakibat ng pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, at iba pang pangunahing pangangailangan. Sa ganitong kalagayan, lalong nabibigatan ang mga manggagawa, ang mga pamilya ay napipilitang magbawas ng konsumo, at ang mga mahihirap ay higit na nalulubog sa kahirapan.” Bahagi ng pahayag ng CMSP–JPICC.

Partikular ding inihayag ng CMSP–JPICC na ang usapin ng mataas na presyo ay may kaugnayan sa karapatan sa sapat na pagkain, disenteng kabuhayan, at marangal na pamumuhay, kaya’t kinakailangan ang pananagutan at konkretong hakbang mula sa pamahalaan

Kaugnay nito, muling iginiit ng grupo ang paninindigan ng Simbahan bilang tinig ng katarungan at habag sa lipunan.

“Malinaw para sa amin: ang krisis sa langis ay isang krisis sa karapatang pantao. Ito ay usapin ng karapatan sa sapat na pagkain, disenteng kabuhayan, at marangal na pamumuhay. Sa harap ng ganitong sitwasyon, kinakailangan ang pananagutan at mga konkretong hakbang na tunay na naglalagay sa kapakanan ng mamamayan sa sentro ng mga patakaran at desisyon.” Dagdag pa ng grupo.

Kabilang sa mga panawagan na sinusuportahan ng grupo ang pagsuspinde ng excise tax sa langis, pagrepaso o pagbabasura ng Oil Deregulation Law, pananagutan ng mga kumpanyang inaakusahan ng pag-abuso sa presyo, at pagbibigay ng agarang ayuda sa mga apektadong sektor.

Isinusulong din ng grupo ang pagtugon sa ugat ng kahirapan, kabilang ang korapsyon at dinastiyang pampulitika.

Ayon sa CMSP–JPICC, ang pakikiisa ng grupo ay pagpapahayag rin ng pananampalataya na ang katarungan ay kaakibat ng Ebanghelyo at ang pagtatanggol sa dignidad ng tao ay mahalagang bahagi ng misyon ng Simbahan.

Bukod dito, muli ring nanindigan ang grupo kasama ng mamamayan para sa katarungan, dignidad, at kinabukasan ng bawat Pilipino sa gitna ng umiiral na krisis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 7,175 total views

 7,175 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 35,180 total views

 35,180 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 52,980 total views

 52,980 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 52,689 total views

 52,689 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 164,828 total views

 164,828 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 15,344 total views

 15,344 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top