Mamamayan, hinimok na makiisa sa pilgrimage ng Our Lady of Guadalupe relic sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 400 total views

Inaanyayahan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na makiisa sa pagdating at paglilibot sa 54 simbahan sa bansa ng replika at second-class relic ng Our Lady of Guadalupe bilang paghahanda sa pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng pagpapakita nito sa Mexico.

Ang relikya ay isang telang replika ng tilma na iniuugnay kay San Juan Diego, na naidikit sa orihinal na imahen na nasa Basilica of Our Lady of Guadalupe, dahilan upang ito ay maituring na second-class relic.

Ayon kay Bishop Bagaforo, na siyang spiritual director ng Our Lady of Guadalupe Philippine Pilgrimage 2026, isang malaking biyaya at pribilehiyo para sa Pilipinas ang mapabilang sa iilang bansa na dadalawin ng imahen ng Mahal na Birhen, kasunod ng Estados Unidos at ilang bansa sa Latin America, at kauna-unahan sa Asya.

“It’s a great privilege that we will receive and be visited by Our Lady of Guadalupe,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Binigyang-diin ng obispo na mahalaga ang pagdating ng imahen lalo na sa kasalukuyang panahon, bilang paalala sa kahalagahan at kabanalan ng buhay.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na kilala ang Our Lady of Guadalupe bilang patron ng mga hindi pa isinisilang, kaya’t panawagan ito sa bawat isa na igalang at pangalagaan ang buhay mula sa sinapupunan.

“Isa itong reminder for all of us na napakahalaga ng buhay. Maging nasa sinapupunan man ng ating mga ina, buhay na rin po ‘yun. At ang buhay is always a blessing, biyaya mula sa Diyos,” ayon sa obispo.

Bukod sa replika ng tilma, magpapadala rin ang Mexico ng isang commemorative statue bilang paggunita sa ika-500 anibersaryo ng aparisyon, gayundin ng opisyal na larawan ni San Juan Diego, na ipapakita sa publiko kasabay ng pilgrimage.

Hinimok ni Bishop Bagaforo ang mga mananamapalataya na samantalahin ang pag-iikot ng mga imahen, na unang dadalawin ang Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral mula June 13-19, 2026, bago magtungo sa 16 simbahan sa Mindanao, 10 sa Visayas, at 27 sa Luzon.

Kabilang din sa bibisitahin ng imahen ang 132nd Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Archdiocese of Ozamis sa July 6-8, 2026.

Ayon sa mga tagapag-organisa, posible ring dalhin ang imahen sa House of Representatives at sa Senado bago ito muling ilagak sa Manila Cathedral bago ang kapistahan sa December 12.

“Isa po itong pagkakataon na makapagdasal tayo, makatanggap tayo ng biyaya mula sa Diyos sa pamamagitan ng Blessed Virgin Mary, at makalapit tayo at makapagdasal ng mabuti sa ating mahal na ina kung ano man ang ating mga pangangailangan,” saad ni Bishop Bagaforo.

Umaasa si Bishop Bagaforo na sa pamamagitan ng debosyon sa Mahal na Birhen, higit pang lalalim ang pananampalataya ng mga Pilipino at mas mapapalapit ang bawat isa sa Diyos. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 10,247 total views

 10,247 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 33,406 total views

 33,405 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 54,681 total views

 54,681 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 226,606 total views

 226,606 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top