Episcopal Ordination at Installation ni Bishop-elect Saco itinakda sa May 26

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 502 total views

Itinakda ng Diocese of Tagbilaran sa Mayo 26 ang episcopal ordination at installation ni Bishop-elect Gerardo Saco Jr.

Sa pahayag ng bishop-elect, ibinahagi nitong magsisilbing principal consecrator ng kanyang ordinasyon si Cebu Archbishop Alberto Uy habang co-consecrator din ang pawang Boholano bishops na sina Borongan Bishop Crispin Varquez at Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona.

Pangungunahan naman ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang pagluklok kay Bishop-elect Saco bilang ikawalong obispo ng Tagbilaran.

Isasagawa ang mga ito sa St. Joseph the Worker Cathedral Shrine sa alas-9 ng umaga.

Sa kanyang mensahe sa mga mananampalataya, ipinahayag ng bishop-elect ang malalim na pasasalamat sa Diyos sa pagkatawag sa kanya bilang pastol ng diyosesis, kasabay ng pagkilala sa kanyang sariling kahinaan at kakulangan. Gayunman, binigyang-diin nito na ang kanyang pagtugon ay nakaugat sa ganap na pagtitiwala sa kalooban ng Diyos.

Ayon sa kanya, ang mahabang panahon ng paghihintay ng komunidad ay naging patunay ng matatag na pananampalataya ng mga mananampalataya.

“Ang inyong mga panalangin, pagtitiis, at pag-asa ay hindi lamang nagpapakita ng inyong pagmamahal sa Simbahan, kundi nagpapaalala rin na ang Diyos ay kumikilos sa tamang panahon,” ayon kay Bishop-elect Saco.

Pinasalamatan din nito ang buong diyosesis sa patuloy na pananalangin at pagkakaisa, na magsisilbing lakas at sandigan sa kanyang bagong misyon bilang obispo.

Iginiit pa ng obispo na ang kanyang pagtatalaga ay hindi lamang personal na paglalakbay kundi isang sama-samang paglalakbay ng buong sambayanan ng Diyos.

“Hindi ito aking paglalakbay lamang, kundi ating paglalakbay bilang isang pamilya ng pananampalataya—nagkakaisa, nagtutulungan, at ginagabayan ni Kristo na ating Mabuting Pastol,” dagdag pa ng bishop-elect.

Muling nanawagan ang bishop-elect sa patuloy na pananalangin ng mga mananampalataya; nawa’y gabayan ng Espiritu Santo ang buong diyosesis sa pagtatatag ng isang Simbahang matatag sa pananampalataya, buhay sa pag-asa, at puspos ng pag-ibig at paglilingkod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 49,527 total views

 49,527 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 173,938 total views

 173,938 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 216,212 total views

 216,212 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 294,037 total views

 294,037 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top