Military chaplains, hinamon ng Obispo na paigtingin ang pagsasabuhay sa misyon ni Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 833 total reads

Hinimok ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga pari na naglilingkod sa iba’t ibang sangay ng pwersa ng pamahalaan na patuloy na isabuhay ang kanilang misyon bilang mga lingkod ng kagalakan, paghilom, at pag-asa sa gitna ng kaguluhan

Ito ang naging sentro ng pagninilay ng Obispo sa ginanap na Chrism Mass ng Military Diocese sa St. Ignatius Cathedral, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City noong ika-26 ng Marso, 2026, kung saan binigyang-diin rin ni Bishop Florencio na ang pagkapari ay hindi lamang tungkulin kundi pakikibahagi sa misyon ni Kristo.

Ayon kay MOP Spokesperson Rev. Fr. COL Harley Flores (RET) muling ipinaalala ni Bishop Florencio sa mga kasapi ng Military Diocese na ang bokasyon sa pagkapari ay isang paanyaya upang ipahayag ang Mabuting Balita at maghatid ng paghilom, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

“During the Chrism Mass, Bishop Florencio reflected deeply on the gift and responsibility of the priesthood, grounding it in the mission entrusted by Christ. He emphasized that priesthood is not merely a role or function, but a participation in Christ’s own mission—to bring good news, healing, and hope, especially to those most in need.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Flores sa Radyo Veritas.

Inihayag rin ni Fr. Flores ang pagbibigay-kahulugan ni Bishop Florencio sa kahalagahan ng mga banal na langis bilang tanda ng biyaya ng Diyos na kumikilos sa buhay ng mga mananampalataya.
Ayon kay Fr. Flores, inilarawan ng Obispo ang langis bilang “gladdens the heart” at pinaalalahanan ang mga pari na ang kanilang ministeryo ay dapat maging bukal ng kagalakan, pag-asa, at panibagong sigla para sa mga mananampalataya.

Dagdag pa ng Pari, ipinaalala rin ni Bishop Florencio na ang pagpapahid ng langis ay hindi lamang isang pribilehiyo kundi isang panawagan na isabuhay ang habag at malasakit ni Kristo sa kanilang paglilingkod.

“Central to his homily was the symbolism of the sacred oils, particularly as signs of God’s grace at work. He described the oil as that which “gladdens the heart,” reminding priests that their ministry must be a source of joy, encouragement, and renewal for the faithful. The anointing they receive and administer is both a privilege and a call to live lives that radiate Christ’s compassion.” Dagdag pa ni Fr. Flores.

Pagbabahagi pa ni Fr. Flores, binigyang-diin din ng Obispo ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at pagkakaisa lalo na sa bawat komunidad na mahalagang bahagi ng buhay ng isang pari bilang lingkod ng Simbahan.

Ayon sa Pari, ipinaliwanag ni Bishop Florencio, na ang mga pari ay hindi dapat mamuhay nang nag-iisa kundi tinatawag na maglingkod nang may pakikipagkaisa sa kanilang obispo, kapwa pari, at sa buong sambayanan ng Diyos na isang katotohanang ipinapakita sa mismong pagdiriwang ng Chrism Mass.

Samantala, nanawagan rin si Bishop Florencio sa mga pari na panibaguhin ang kanilang pangako sa bokasyon, manatiling tapat sa kanilang misyon, at patuloy na maging mga instrumento ng kagalakan at awa ng Diyos sa isang nagkakaisang Simbahan.

“He also highlighted the importance of community, stressing that priests are not isolated ministers but are called to serve in communion—with their bishop, fellow clergy, and the people of God. The Chrism Mass itself, he noted, is a powerful expression of this unity. In conclusion, Bishop Florencio called on priests to renew their commitment, to remain faithful to their mission, and to be instruments of God’s joy and mercy within a united Church.” Ayon kay Fr. Flores.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa ng paggabay sa buhay espiritwal ng mga men and women in uniform mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 22,762 total reads

 22,762 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,365 total reads

 59,365 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,635 total reads

 285,635 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,102 total reads

 179,102 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 271,917 total reads

 271,917 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top