Pangangalaga sa kalikasan, isang banal na tungkulin na ipinagkaloob ng panginoon-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 174 total views

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na aktibong makiisa sa Earth Hour 2026 bilang konkretong hakbang sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapakita ng pananampalataya sa Diyos.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng obispo na ang pangangalaga sa nag-iisang tahanan ay hindi lamang pagpipilian, kundi isang banal na tungkuling ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan.

Inaanyayahan ni Bishop Santos ang mga pamilya, parokya, at pamayanan na makibahagi sa Earth Hour ngayong Sabado, March 28, 2026, mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi, sa pamamagitan ng pagpatay ng mga ilaw at hindi kinakailangang electrical appliances sa mga tahanan, simbahan, at lugar ng trabaho.

“In this simple yet powerful act, we express our solidarity with one another and our commitment to protect the planet—especially in this time of environmental crisis,” pahayag ni Bishop Santos.

Iginiit din ng obispo na ang temang “Switch on Habits for Earth” ay paalala na hindi natatapos sa isang oras ang responsibilidad ng bawat isa, kundi panawagan sa tuloy-tuloy na pagbabago ng pamumuhay.

Hinimok niya ang bawat isa na paigtingin ang disiplina sa paggamit ng likas-yaman, maging responsable sa pagkonsumo, at higit na alalahanin ang kapakanan ng mahihirap na unang naaapektuhan ng pagkasira ng kapaligiran.

Dagdag pa ni Bishop Santos, ang isang oras ng kadiliman ay maaaring maging liwanag ng pag-asa na magtutulak sa mas malalim na pagninilay, tunay na pagbabagong-loob, at konkretong pagkilos para sa kalikasan.

“May we continue to build habits that sustain life, protect our environment, and preserve the beauty of God’s creation for future generations. Entrusting our efforts to the Lord, may we walk together in faith, hope, and love as stewards of His creation,” saad ni Bishop Santos.

Kaugnay nito, isasagawa ng Radyo Veritas ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2026 Special,” mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.

Tampok dito ang isang oras na pagpapatay ng mga ilaw, na sasabayan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo, at mga talakayan hinggil sa kalagayan ng iba’t ibang sektor na apektado ng suliranin sa kapaligiran.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Climate Change Commission (CCC), Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), Diocese of Lucena—Ministry on Ecology, at Alyansa Tigil Mina (ATM).

Mapapakinggan ang programa sa DZRV 846 AM at mapapanood sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH YouTube channel, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 9,876 total views

 9,876 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 33,035 total views

 33,035 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 54,310 total views

 54,310 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 226,296 total views

 226,296 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top