Maging matapang sa pagtatanggol sa buhay, hamon ni Bishop Mallari sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Hinimok ni Tarlac Bishop Roberto Mallari ang mga mananampalataya na maging matatag sa pagtatanggol sa kabanalan ng buhay sa kabila ng iba’t ibang hamon at pagsubok sa lipunan.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo sa isinagawang Penitential Walk for Life 2026 sa Diocese of Tarlac noong ika-21 ng Marso, 2026, na pinangunahan ng Council of the Laity ng diyosesis.

Ayon kay Bishop Mallari, ang sama-samang paglalakad ay hindi lamang pisikal na gawain kundi isang espiritwal na paglalakbay ng panalangin, pagsisisi, at paninindigan para sa dignidad ng bawat buhay, lalo na sa gitna ng mga suliraning kinahaharap ng bansa at ng mundo.

“Sa ating paglalakbay na ito, ating iharap sa Diyos ang ating taimtim na panawagan na itaguyod ang kabanalan at halaga ng bawat buhay, lalo na sa gitna ng mga hamon na kinahaharap ng ating bayan at ng buong mundo,” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Mallari.

Binigyang-diin din ng Obispo ang epekto ng mga digmaan, partikular sa Gitnang Silangan, kung saan maraming sibilyan, lalo na ang mga bata, ang nagdurusa at hinimok ang mga mananampalataya na maging matapang sa pagtatanggol ng buhay.

Nagbabala rin si Bishop Mallari sa umiiral na kultura ng paninira at pananakot, kabilang ang paggamit ng ‘trolls’ laban sa mga nagsusulong ng katotohanan at pananagutan sa lipunan.

“You will be bullied, you will be threatened dahil sa paninindigan para sa buhay, para sa katotohanan,” Dagdag pa ni Bishop Mallari.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Bishop Mallari ang kahalagahan ng pagkakaisa, lalo na sa loob ng pamilya, na nagsisilbing pangunahing pundasyon ng lipunan.

Ipinaalala rin ng Obispo ang turo ni Pope Francis hinggil sa pagpapatawad at pagmamahalan sa pamilya kung saan iginiit din ni Bishop Mallari na ang kakulangan ng pagkakasundo ay maaaring magdulot ng pagkasira ng ugnayan.

“Do not let the sun go down without reconciling with one another,” Paalala ni Bishop Mallari,

Dagdag pa ng Obispo, ang Penitential Walk ay paanyaya rin sa bawat isa na kilalanin ang sariling pagkukulang at magbalik-loob sa Diyos.

“Ang ating paglalakbay ay isang panawagan sa aktibong pananampalataya… maging tagapagtanggol ng buhay sa bawat pagkakataon,” ani Bishop Mallari.

Samantala, hinimok din ng Obispo ang mga mananampalataya na patuloy na magtiwala kay Kristo bilang pinagmumulan ng lakas sa pagtatanggol ng buhay ng bawat nilalang.

“Remember… it is only through Him that we have power and the grace to persevere… in our desire to fight for life and to protect life,” Paalala pa ni Bishop Mallari.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 17,236 total reads

 17,236 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 81,541 total reads

 81,541 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 118,329 total reads

 118,329 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 148,903 total reads

 148,903 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 198,533 total reads

 198,533 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 260,131 total reads

 260,131 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top