Pagiging pastol ng Diocese of Tagbilaran, buong kababaang-loob na tinanggap ni Bishop-Elect Saco

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total views

Buong kababaang-loob na tinanggap ni Bishop-elect Gerardo Saco Jr. ang pagkatalaga sa kaniya bilang bagong Obispo ng Diyosesis ng Tagbilaran.

Ayon sa pari, ang pagkahirang na pastol sa diyosesis na may halos isang milyong kawan ay hindi bunga ng sariling kagustuhan kundi tugon sa tawag ng Diyos.

“This call is not mine personally, but a call from the Lord. And if it is the Lord who calls, then He will also provide the strength and the grace to fulfill this mission,” ayon kay Bishop-elect Saco.

Aminado ang pari na nakaramdam ito ng pangamba at pag-aalinlangan nang ipaalam ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang appointment sa kanya, ngunit binigyang-diin ang pagtitiwala sa biyaya ng Diyos na siyang magbibigay ng kakayahan upang magampanan ang misyong ipinagkatiwala sa kanya.

Sinabi ni Bishop-elect Saco na sa pamamagitan ng panalangin ay naging malinaw sa kanya ang tunay na pinanggagalingan ng tawag, kaya’t buong kababaang-loob niyang tinanggap ang bagong tungkulin.

“Therefore, in obedience to the will of God and in communion with the Holy Church, I humbly accept this appointment as the Bishop of Tagbilaran,” dagdag ng bishop-elect.

Binigyang-diin din ni Bishop-elect Saco na ang kanyang pagtanggap ay hindi nakabatay sa sariling kakayahan kundi sa kapangyarihan ng Diyos na kumikilos sa gitna ng kahinaan ng tao.

“I accept not because I am capable but because I believe that God can work even through my weakness,” aniya.

Ipinaalala rin ng bishop-elect na ang pagiging obispo ay hindi isang karangalan kundi isang misyon ng paglilingkod.

“Not fame, but a call to service, to love, to listen, and to guide the people of God in our diocese,” giit ni Bishop-elect Saco.

Humiling ang bagong talagang obispo ng panalangin mula sa mga mananampalataya upang magampanan niya ang kanyang tungkulin bilang pastol ng Simbahan.

“Pray for me, that I may be a faithful Shepherd who listens to God, who cares for the poor, who strengthens the weak, and who brings all closer to Christ,” panawagan niya.

Umaasa rin ang bishop-elect sa patuloy na pakikiisa ng kaparian at ng buong sambayanan ng Diyos upang higit pang mapatatag ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa diyosesis.

March 25 sa pagdiriwang ng Feast of the Annunciation nang hirangin siyang obispo ni Pope Leo XIV makalipas ang ilang buwang paninilbihang diocesan administrator ng Tagbilaran nang maging sede vacante mula September 2025.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 10,458 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 10,564 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 74,180 total views

 74,180 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 143,608 total views

 143,608 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 174,892 total views

 174,892 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 206,905 total views

 206,905 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 355,415 total views

 355,415 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top