CBCP,nanawagan ng pakikiisa sa pagtatalaga ng Pilipinas sa Divine mercy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,004 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat ng diyosesis at mananampalataya na makiisa sa muling pagtatalaga sa Divine Mercy sa buong bansa bilang tugon sa kasalukuyang mga hamon at kawalang-katiyakan sa mundo.

Sa sirkular ng kalipunan sa pamumuno ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera bilang pangulo, inaprubahan ng Permanent Council ng CBCP ang renewal of the Consecration to the Divine Mercy na isasagawa sa Divine Mercy Sunday, sa Abril 12, 2026.

Binigyang-diin sa pahayag na ang hakbang ay isang malinaw na tanda ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng krisis.

“In the face of our current national and global crises, this renewal of consecration would be a beautiful and fitting response of hope in the Lord’s Mercy.”

Ayon sa CBCP, ang sabayang pagtatalaga sa buong bansa ay magsisilbing makapangyarihang pagpapahayag ng pananampalataya, lalo na sa panahong maraming Pilipino ang dumaranas ng pangamba at pagsubok.

“This nationwide consecration will be a profound expression of our trust in the Divine Mercy—a trust that remains our final refuge in these times of uncertainty and trial.”

Iginiit din ng mga obispo na ang pagtitiwala sa awa ng Diyos ang tanging sandigan ng kaligtasan ng sangkatauhan.

“It is only by trusting in Divine Mercy that we can hope to be saved.”

Kaugnay nito, itinakda ng CBCP na ang panalangin ng Consecration to the Divine Mercy ay bigkasin sa lahat ng misa sa araw ng pagdiriwang, kapalit ng General Intercessions.

Hinikayat din ang lahat ng parokya, religious communities, at Catholic institutions na aktibong makilahok sa inisyatibo.

Inaanyayahan ng CBCP ang buong sambayanan na magkaisa sa panalangin at lubos na magtiwala sa Diyos at hinimok ang mga mananampalataya na sabayang ipahayag ang pananalig kay Hesus na muling nabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,261 total reads

 78,261 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,949 total reads

 172,949 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,217 total reads

 217,217 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,326 total reads

 240,326 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,939 total reads

 311,939 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top