PCPR, nagpahayag ng suporta sa mga driver

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,872 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Promotion of Church People’s Response sa mga driver ng pampublikong sasakyan at sa No To Oil Price Hike Coalition kaugnay ng isinagawang transport strike ng grupo upang tutulan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa PCPR, sinusuportahan ng grupo ang anim na pangunahing panawagan ng mga tsuper at manggagawa na apektado ng tumataas na gastusin sa transportasyon.

Partikular din tinukoy ng grupo ang epekto ng Oil Deregulation Law sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa, na lalong nagpapabigat sa mga tsuper at mamamayan.

“The Promotion of Church People’s Response stands in solidarity with PUV drivers and the No To Oil Price Hike Coalition in the six demands for today’s transport strike… The Oil Deregulation Law in the Philippines has allowed prices at the pump to more than double since the US attacked Iran.” Bahagi ng pahayag ng PCPR.

Nanawagan din ang Promotion of Church People’s Response ng panalangin para sa kapayapaan sa gitna ng umiiral na tensyon sa pandaigdigang antas, partikular ang epekto ng mga digmaan sa hanapbuhay ng mga manggagawa.

“Let us pray for an end to US wars of aggression that are affecting working peoples throughout the world, including the Philippines,” Dagdag pa ng PCPR.

Ayon sa PCPR, makakaasa ang mga batayang sektor sa patuloy na paninindigan ng iba’t ibang sektor, kabilang ang mga grupong pansimbahan, sa pagsusulong ng kapayapaan, katarungan, at kapakanan ng mga manggagawa sa gitna ng umiiral na krisis pang-ekonomiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 48,163 total views

 48,163 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 172,574 total views

 172,574 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 214,901 total views

 214,901 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 292,838 total views

 292,838 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 2,744 total views

 2,744 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top