Banal na Oras para sa kalikasan: Earth hour 2026 special, tampok sa Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 848 total reads

Banal na Oras para sa kalikasan: Earth hour 2026 special, tampok sa Radyo Veritas

Muling makikibahagi ang kapanalig na himpilan sa pagdiriwang ng Earth Hour ngayong taon bilang pakikiisa sa panawagang pangalagaan at bigyang-pahinga ang inang kalikasan.
Isasagawa ngayong Sabado, March 28, 2026, mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng gabi ang programang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2026 Special,” ng Radyo Veritas, sa pakikipagtulungan ng Climate Change Commission (CCC), Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), Diocese of Lucena—Ministry on Ecology, at Alyansa Tigil Mina (ATM).

Tampok sa programa ang sabay-sabay na pagpapatay ng mga ilaw mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi, na sasabayan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo, at mga talakayan hinggil sa kalagayan ng iba’t ibang sektor na apektado ng suliranin sa kapaligiran.

Kabilang sa mga panauhin sina CCC Commissioner Rachel Anne Herrera; Lucena Ministry on Ecology Director, Fr. Warren Puno; CBCP-ECIP Executive Secretary Tony Abuso; at ATM Chairperson Rene Pamplona.

Mapapakinggan ang programa sa DZRV 846 AM at mapapanood sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH YouTube channel, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Ika-18 taon na ng pakikibahagi ng Pilipinas sa Earth Hour, na unang isinagawa noong 2007 sa Sydney, Australia, at ngayo’y ipinagdiriwang sa mahigit 7,000 lungsod at 193 bansa sa buong mundo bilang simbolo ng sama-samang pagkilos para sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 21,345 total reads

 21,345 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 69,216 total reads

 69,216 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 173,164 total reads

 173,164 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 259,277 total reads

 259,277 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 328,408 total reads

 328,408 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 163,550 total reads

 163,550 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top