All Saints at All Souls day, isang celebration of life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 314 total views

Ipinapaalala ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ang pagdiriwang ng ‘All Saints Day at All Souls day’ ay hindi sa paraan ng katatakutan.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Laity, ito ay pagdiriwang at pag-alala sa buhay ng mga nauna nang namayapa.

“Ano ba ang dala-dala natin? Bulaklak, bulaklak is a sign of life, nagdadala rin tayo ng kandila, yan din ay sign of life may liwanag. Tapos nagdadala rin tayo ng pagkain again sign of life. It is really a celebration of life. Life na gusto natin na ang mga yumao natin ay pumunta na sa langit kaya ipinagdarasal natin sila,” ayon kay Bishop Pabillo sa panayam ng Barangay Simbayanan.

Bukod sa pag-alaala ng naging buhay sa lupa ng namayapa, pinaalalahanan ang bawat isa sa patuloy na pananalangin sa mga patay, dahil bilang mga Kristiyano tayo ay naniniwala sa kanilang pag-akyat sa langit kasama ang mga banal at ang Panginoon.

“Sana po ay pumunta tayo sa sementeryo para alalahanin at ipagdasal ang mga yumao,” ayon kay Bishop Pabillo.

Panawagan din ng Obispo na talikdan ang ‘sekular’ na paraan ng pagdiriwang ng araw ng mga patay tulad ng pagsusuot ng mga nakakatakot na imahe.

“Kaya ang Halloween ay hindi ‘yan Christian celebration which is a ‘Celebration of Death’. Yung mga nakakatakot na mukha, mga demonyo hindi yan maka-kristiyanong celebration at ‘yan yung ginagamit ng ‘Secularism’,” dagdag pa ng Obispo.

Una na ring hinikayat ng Simbahan ang mga mananampalataya na sa halip na magsuot ng nakakatakot ay magsagawa na lamang ng ‘Parade of Saints’ o pagbibihis sa mga kabataan ng mga kasuotan ng mga Santo.

Ilan sa mga nagsasagawa ng taunang ‘Parade of of Saints’ para sa pagdiriwang ng Undas ay ang St. Peter and Paul Parish Makati; Ascension of Our Lord sa Paranaque; San Antonio De Padua, Marikina; Sta. Cruz Parish sa Caloocan; Nuestra Señora Dela Paz Y Buenviaje, Bacoor Cavite; Sta. Cecilia sa Maly, Pangasinan San Roque Catholic School, Mother of Mercy Loma De Gato at St. Michael the Archangel Parish sa Marilao Bulacan.

Sa pagtaya ng Simbahan, may higit na sa 10,000 ang bilang ng mga naitalagang Santo, kung saan taong 993 itinalaga bilang kauna-unahang santo ni Pope John XV si St. Ulrich ng Augsburg.

Binigyan diin ng Santo Papa Francisco ang kahalagahan nang patuloy na Pananalangin sa mga namayapa bilang pakikiisa o ‘Communion’ sa iisang pananampalataya at pamilya na kapwa nangangailangan ng panalangin para sa kaligtasan.

Sa Metro Manila, may labing isang pangunahing sementeryo kung saan ang pinakamalaki ay ang Manila North Cemetery na may 54 na ektarya ang lawak at ilan sa mga kilalang nakalibing dito ay ang mga dating Pangulo ng bansa tulad nina Sergio Osmena, Ramon Magsaysay at Manuel Roxas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 123,190 total views

 123,190 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 123,190 total views

 123,190 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 123,190 total views

 123,190 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 119,616 total views

 119,616 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 109,215 total views

 109,215 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top