Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Famadico, napukaw sa natatanging pananampalataya ng mga layko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Mayroon natatanging biyaya ng pananampalataya ang mga layko na dapat na tularan at pamarisan ng mga clergy (klero).

Ito ang inihayag ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico–Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy sa kanyang naging Pastoral Visit On-Air sa himpilan ng Radyo Veritas kaugnay sa kanyang karanasan sa pakikibahagi sa pagpila ng mga deboto para sa public veneration ng Incorrupt Heart ni Saint Padre Pio sa Manila Cathedral.

Pagbabahagi ni Bishop Famadico, napukaw ng matinding pananampalataya ng mga laykong matiyagang pumila ang kanyang paniniwala at pagiging isang Obispo upang mas pahalagahan ang pagsusumikap ng mga ito na magsimba at makibahagi sa mga gawain ng Simbahan.

“I think doon sa nangyaring yun ako ang nakinabang doon because during that time ako ang na-inspire. Ako ang nakinabang doon sa experience dahil nakihati ako doon sa kung anong meron yung mga layko na pumipila kaya I’m blessed because I joined them.”pahayag ni Bishop Famadico sa kanyang Pastoral Visit On-Air.

Ayon sa Obispo, mayroong natatanging paraan ng pananampalataya ang mga layko na hindi kadalasang nabibigyang halaga ng mga Pari, Obispo at iba pang lingkod ng Simbahan dahil sa pakiramdam ng pagiging mas malapit sa Panginoon.

Iginiit ni Bishop Famadico na hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng mas malalim na relasyon sa Panginoon ang araw-araw na pagdaraos ng misa ng mga Pari o ng mga Obispo sapagkat kakaibang sakripisyo at pagsusumikap rin ang ipinapamalas ng mga layko upang mas mapalapit sa Panginoon.

“Ang layko ay precisely meron sila na wala sa akin, merong giftedness ang mga layko na naroon na hindi nabibigyan ng kaukulang pagpapahalaga at siguro nga nasanay na kami bilang klero, mga pari na there is a feeling ng pagiging malapit sa Diyos dahil nga nagmimisa naman araw-araw, samantalang yung mga layko ay kinakailangan pang maglakad, kinakailangan pang magtricycle pa bago makarating sa Simbahan, samantalang kami bababa lang ng kumbento, pero precisely anong meron sa kanila na kahit malayo ay nagsusumikap na sumimba so it’s a treasure in them na baka hindi natin, na hindi namin nabibigyan ng kaukulang pagpapahalaga.” pagbabahagi pa ni Bishop Famadico.

Ipinaliwanag ni Bishop Famadico na bilang Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy na siyang sponsor ng National Tour ng Incorrupt Heart of Saint Padre Pio sa bansa ay plano lamang niyang makita ang sitwasyon ng nagaganap na magdamagang public veneration sa Manila Cathedral noong gabi ng ika-11 ng Oktubre.

Ngunit dahil sa pagkamangha sa kanyang nakitang debosyon at pananampalataya ng mga layko ay napagdesisyunan ng Obispo na makibahagi rin sa sakrispiyo ng mga ito kung saan umabot ng halos 4 na oras bago siya nakapasok ng Manila Cathedral.

Dahil dito sa pag-alis ng Incorrupt Heart ni Saint Padre Pio sa bansa ay umaasa ang Obispo na hindi basta na lamang mawala at makalimutan ng mga mananampalataya ang mga mensaheng hatid ni Santo Padre Pio hindi lamang para sa mga Pari, Obispo at iba ang lingkod ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baha ng disimpormasyon

Mga Kapanalig, habang isinasagawa noong nakaraang linggo ang confirmation of charges hearing ng dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (o ICC), pinutakte sa social

Read More »

“Virus of impunity”

Mga Kapanalig, may kakilala ba kayong naging disipulo ni dating Pangulong Duterte na uhaw sa dugo at naniniwalang ang karahasan at pagpatay ang tanging solusyon

Read More »

Kaya ng Pilipina

Mga Kapanalig, Happy Women’s Month! Sa taóng ito, ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ay “Lead like the Babaylans, Filipinas!”. Binibigyang-diin nito ang

Read More »

TALO NA NAMAN ANG MGA PILIPINO

Sa ating mga manggagawang Pilipino, ang hindi pagpasok ng isang araw sa trabaho ay napakalaking kawalan sa ating pamumuhay. Katumbas ng isang araw na bawas

Read More »

KUWARESMA

KUWARESMA (LENT), ito ay 40-araw bago mag-Easter o lingo ng pagkabuhay ng panginoong Hesu Kristo… Ang manunubos ng kasalanan ng sangkatauhan. Sa mga Katolikong Kristiyano,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES