All Saints at All Souls day, isang celebration of life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 542 total reads

Ipinapaalala ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ang pagdiriwang ng ‘All Saints Day at All Souls day’ ay hindi sa paraan ng katatakutan.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Laity, ito ay pagdiriwang at pag-alala sa buhay ng mga nauna nang namayapa.

“Ano ba ang dala-dala natin? Bulaklak, bulaklak is a sign of life, nagdadala rin tayo ng kandila, yan din ay sign of life may liwanag. Tapos nagdadala rin tayo ng pagkain again sign of life. It is really a celebration of life. Life na gusto natin na ang mga yumao natin ay pumunta na sa langit kaya ipinagdarasal natin sila,” ayon kay Bishop Pabillo sa panayam ng Barangay Simbayanan.

Bukod sa pag-alaala ng naging buhay sa lupa ng namayapa, pinaalalahanan ang bawat isa sa patuloy na pananalangin sa mga patay, dahil bilang mga Kristiyano tayo ay naniniwala sa kanilang pag-akyat sa langit kasama ang mga banal at ang Panginoon.

“Sana po ay pumunta tayo sa sementeryo para alalahanin at ipagdasal ang mga yumao,” ayon kay Bishop Pabillo.

Panawagan din ng Obispo na talikdan ang ‘sekular’ na paraan ng pagdiriwang ng araw ng mga patay tulad ng pagsusuot ng mga nakakatakot na imahe.

“Kaya ang Halloween ay hindi ‘yan Christian celebration which is a ‘Celebration of Death’. Yung mga nakakatakot na mukha, mga demonyo hindi yan maka-kristiyanong celebration at ‘yan yung ginagamit ng ‘Secularism’,” dagdag pa ng Obispo.

Una na ring hinikayat ng Simbahan ang mga mananampalataya na sa halip na magsuot ng nakakatakot ay magsagawa na lamang ng ‘Parade of Saints’ o pagbibihis sa mga kabataan ng mga kasuotan ng mga Santo.

Ilan sa mga nagsasagawa ng taunang ‘Parade of of Saints’ para sa pagdiriwang ng Undas ay ang St. Peter and Paul Parish Makati; Ascension of Our Lord sa Paranaque; San Antonio De Padua, Marikina; Sta. Cruz Parish sa Caloocan; Nuestra Señora Dela Paz Y Buenviaje, Bacoor Cavite; Sta. Cecilia sa Maly, Pangasinan San Roque Catholic School, Mother of Mercy Loma De Gato at St. Michael the Archangel Parish sa Marilao Bulacan.

Sa pagtaya ng Simbahan, may higit na sa 10,000 ang bilang ng mga naitalagang Santo, kung saan taong 993 itinalaga bilang kauna-unahang santo ni Pope John XV si St. Ulrich ng Augsburg.

Binigyan diin ng Santo Papa Francisco ang kahalagahan nang patuloy na Pananalangin sa mga namayapa bilang pakikiisa o ‘Communion’ sa iisang pananampalataya at pamilya na kapwa nangangailangan ng panalangin para sa kaligtasan.

Sa Metro Manila, may labing isang pangunahing sementeryo kung saan ang pinakamalaki ay ang Manila North Cemetery na may 54 na ektarya ang lawak at ilan sa mga kilalang nakalibing dito ay ang mga dating Pangulo ng bansa tulad nina Sergio Osmena, Ramon Magsaysay at Manuel Roxas.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 49,961 total reads

 49,961 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 170,224 total reads

 170,224 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 255,592 total reads

 255,592 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 302,332 total reads

 302,332 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 350,199 total reads

 350,199 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 445,898 total reads

 445,898 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 49,962 total reads

 49,962 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top