Ampunan at rehabilitation center sa Diocese of Malolos, humihiling ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total views

Umapela ng tulong ang ilang mga ampunan at rehabilitation center sa Diocese of Malolos dahil sa kawalan ng sapat na mapagkukunan ng pondo para sa kanilang mga inaalagaan.

Sa naging pagbisita ng Radyo Veritas at Caritas Manila sa Galilee Home Doña Remedios Trinidad Bulacan, ibinahagi ng tagapamahala nito na si Flora Fe Borbo ang kanilang sitwasyon sa gitna ng umiiral na pandemya.

Ayon kay Borbo, hindi naging madali ang pagpapatuloy ng kanilang operasyon dahil na rin sa kawalan ng mapagkukunan ng pondo para sa pangangailangan ng may nasa halos 60 mga kabataan at mga nakatatanda na nasa ilalim ng kanilang pangangalaga.

“During this pandemic po talagang nag-struggle kami. No’ng una, nakayanan pa po pero no’ng pangalawa [lockdown] even our donors talagang exhausted, ginagawa po namin kung ano nandiyan [pinagkakasya namin] pinapaliwanag na lang namin sa aming mga kasama na ito ‘yong buhay ngayon at mas naging fortunate na sila ay nandito kaysa nasa labas,” pahayag ni Borbo.

“Maliit man po o malaki ay very much appreciated namin, pareho po ang acceptance namin. Wala po kaming foundation, kung ano man ang donation sa amin ‘yon ang aming survival,” dagdag pa ni Borbo na ilang taon nang boluntaryong naglilingkod sa Galilee Home.

Ganito rin ang naging karanasan ng Emmaus House of Apostolate na matatagpuan din sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Rev. Fr. Ruel Arcega, mabigat ang mga hamon na dala ng pandemya hindi lamang sa pangangailangan ng kanilang mga kinakalinga kundi maging sa suliranin sa kalusugan ng mga ito.

Gayunpaman, ipinagpapasalamat ng Pari ang mga patuloy na nagbabahagi ng pagtulong at pag-agapay sa may 60 mga nakatatanda na kanilang kinukupkop sa ngayon.

“Napakalaki ang naging epekto nito psychologically and emotionally dahil ‘yong takot na kapag napasok kami ng virus dito, madadali kaming lahat dito. Pangalawa, ‘yong mga tumutulong din, natatakot sila pero awa ng Diyos, may mga malalakas ang loob na mga generous people na kakatok sa gate at magbibigay at inaabot sa amin,” pahayag ni Fr. Arcega.

Tiniyak ng Pari na hindi tatalikuran ng Simbahan ang mga inabandona ng lipunan at sisikapin nilang mapangalagaan ito sa abot ng kanilang kakayanan.

“Minsan nakakalimutan natin itong mga abandoned, ang mga street children, mga walang tirahan at tinalukuran na. Kaya ang Emmaus [House of Apostolate] ay naipapadama sa mga least, last and lost na bahagi sila ng Simbahan at hindi sila tinalikuran ng Simbahan at sa bahagi ng pagtulong, lalo na sa [pamamagitan] ng mga volunteers natin naipapadama namin sa kanila na sila ay may mahal ng Diyos,” mensahe ng Priest Director ng naturang ampunan.

Para sa ano mang pagtulong sa mga nasabing institusyon maaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod:

Facebook Account: Galilee Home DRT
Mobile Number 0995 630 6475, Flora Fe Bolbo/Rev. Fr. Joshua Panganiban

Facebook Account: Emmaus House of Apostolate
Mobile Number: 0926 711 8431, Rev. Fr. Ruel Arcega

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 38,046 total views

 38,046 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 81,654 total views

 81,654 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 165,489 total views

 165,489 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 179,822 total views

 179,822 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 77,777 total views

 77,777 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top