Dagdag na Banal na Misa sa All Saints at All Souls Day, ipinag-utos ni Butuan Bishop Almedilla

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 892 total reads

Ipinag-utos ni Butuan Bishop Cosme Almedilla sa mga parokya ng diyosesis na magtalaga ng karagdagang misa sa paggunita ng Araw ng mga Banal at pag-alala sa mga yumao.

Ito ang tugon ng diyosesis sa pagsasara ng pamahalaan sa mga sementeryo sa November 1 at 2 upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

“All masses on November 1 and 2 will be celebrated in the parish, with additional timeslot, so social distancing is observed. The Prayers of the Faithful will be used for the souls in purgatory,” bahagi ng pahayag ni Bishop Almedilla.

Hinimok din ni Bishop Almedilla ang mga simbahan na magsagawa ng nobena para sa mga kaluluwa tuwing bago magsimula ang banal na misa.

Paanyaya ng obispo sa mananampalataya na makipag-ugnayan sa kanilang mga parokya para sa pagpapatala ng pangalan ng mga yumaong mahal sa buhay na isasama sa mga misa.

Sa Agusan Del Sur isasara sa publiko ang sementeryo sa October 29 hanggang November 3 habang ang Agusan Del Norte at Batuan City naman ay sarado sa November 1 at 2.

“If you wish to visit our Catholic cemeteries, you may do so before or after the dates specified,” dagdag ni Bishop Almedilla.

Mahigpit na paalala ng obispo sa mamamayan na makikiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa mga simbahan ang pagsunod sa safety health protocol at maging ang mga dadalaw sa mga sementeryo.

Subalit mas hinimok ng diyosesis ang mamamayan na mag-alay ng panalangin kasama ang buong pamilya para sa paggunita ng mga yumaong kaanak.

“In place of visiting the cemetery, every family is highly encouraged to offer prayers in their homes for the beloved departed love ones,” ani ng obispo.

Bagamat nakitaan ng pagbaba ng daily COVID-19 cases sa bansa nangangamba pa rin ang mga eksperto na maaring dumami ang mahawaan kasunod ng pagluwag ng quarantine restrictions sa buong bansa.

Paalala sa bawat isa na maging maingat kahit na bakunado na laban sa virus upang maiwasan ang pagkahawa ng COVID-19.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 8,981 total reads

 8,981 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 23,265 total reads

 23,265 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 127,170 total reads

 127,170 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 167,728 total reads

 167,728 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 188,182 total reads

 188,182 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 236,075 total reads

 236,075 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top