Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na pagtuunan ng pagmimisyon at paglilingkod sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total reads

Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula ang bawat isa na pagtuunan ng pansin ang pagmimisyon at paglilingkod sa kapwa.

Ito ang mensahe ng Cardinal kasabay ng pagtalaga ng bagong kura paroko sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City kamakailan.

Ayon sa Arsobispo ng Maynila, dapat maging huwaran ng sangkatuhan si Hesus na naglingkod ng tapat kahit na walang posisyon at kapangyarihan sa lipunan.

“Authority must not be our primary concern, our primary concern should be service,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Paliwanag ng opisyal ng Simbahan na ang pagkamatay ni Hesus sa krus ang tunay na kahulugan ng paglilingkod kaya’t hamon nito sa mamamayan na magmalasakit sa kapwa upang maipakita ang taus-pusong paglingap.

Ito rin ang habilin ng Cardinal kay Capuchin Father Uldarico Camus bilang bagong pastol ng parokya na magiging gabay ng nasasakupang mananampalataya.

Ito rin ay paalala ng Simbahan sa bawat isa na maaaring maglingkod sa kapwa kahit walang kapangyarihan sa komunidad na kinabibilangan.

“Kahit hindi nakaposisyon, kahit walang kapangyarihan, pwede pa ring maglingkod sa kapwa; madalas pa nga ang posisyon at kapangyarihan ay nagiging hadlang upang tunay na maglingkod sa kapwa,” giit ni Cardinal Advincula.

Sinabi nitong kung layunin ng tao ang papuri at kapangyarihan hindi paglilingkod ang nais nito kundi pansariling interes lamang.

“Focus on serving others, focus on mission and honor and power will follow,” paalala ni Cardinal Advincula.

Ang parokya ng St. Francis of Assisi sa Mandaluyong na naitatag noong 1958 ay nasa pangangasiwa ng Franciscan Capuchin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 5,348 total reads

 5,348 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 87,329 total reads

 87,329 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 189,056 total reads

 189,056 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 225,844 total reads

 225,844 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 256,280 total reads

 256,280 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top