AMRSP, tutugon sa pangangailangan ng mga sinalanta ng bagyong Rolly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 495 total views

Tiniyak ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) ang tulong sa mga naapektuhan ng pananalasa ng super typhoon Rolly sa bansa.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Father Angel Cortez, OFM sa ilalim ng AMRSPCares program ay ipapaabot nila ang tulong.

Inihayag ni Fr. Cortez ang pakikipag-ugnayan ng AMRSP sa iba’t-ibang kongregasyon upang makapangalap ng tulong at makapagpaabot ng ayuda sa mas maraming mamamayan na sinalanta ng bagyo.

“We are preparing for the worst-case scenario, under AMRSPCares program we will help to the needs of our brothers and sister affected by Rolly. We will ask the congregations to help and collaborate so we can reach more affected people.” pahayag ni Father Cortez sa panayam sa Radio Veritas.

Hinikayat rin ng Pari ang mamamayan na magkaisa sa pagtulong at pagbibigay ayuda sa mga lubos na naapektuhan ng bagyo na nagdulot ng pagkawasak at pagkasira hindi lamang ng mga tahanan kundi maging sa kabuhayan ng mga residente.

Sinabi ni Fr. Cortez na tatanggap rin ng tulong ang AMRSP mula sa mga nais na maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon para sa mga nangangailan.

Iginiit ng Pari na sa oras ng mga pagsubok at kagipitan tulad ng pananalasa ng super typhoon Rolly ay napakahalaga ng pagtutulungan ng lahat.

“Sa mga kapanalig na nais magpaabot ng tulong maari nyo po ipadala sa AMRSP Metro Bank Accnt. Association of Major Religious Superiors Special Fund MBTC 259-3-25907445-3 or GCash and Paypal account 09667804425. Wag po tayo magsawa tumulong sa mga taong mas higit na nangangailangan sa atin.” apela ni Fr. Cortez.

Naunang nagpaabot ng 1-milyong pisong cash aid ang Caritas Manila sa limang Diyosesis at Arkidiyosesis na lubhang sinalanta ng bagyong Rolly.

Read: https://www.veritas846.ph/1-milyong-pisong-cash-aid-ibibigay-ng-caritas-manila-sa-mga-sinalanta-ng-bagyong-rolly/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 53,567 total views

 53,567 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 53,567 total views

 53,567 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 53,567 total views

 53,567 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 51,938 total views

 51,938 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 47,440 total views

 47,440 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top