Sundin ang health safety protocol ng pamahalaan-Bishop Abarquez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,033 total reads

Magkaisa sa pag-unawa at pagsunod sa mga panuntunan ng pamahalaan bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng Coronavirus Disease 2019.

Ito ang paalala ni Calbayog Bishop Isabelo Abarquez sa pagbabawal ng pamahalaan na magtungo sa mga sementeryo at kolumbaryo ngayong Araw ng mga Patay.

Ayon sa Obispo, bagamat bahagi na ng kultura at tradisyon ng pamilyang Filipino ang sama-samang pagbisita at pag-aalay ng panalangin sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay ay mahalagang tupdin ang panuntunan ng pamahalaan.

“Alam po nating lahat na tayo ay pinagbawalan na magpunta sa sementeryo sa November 1, 2 and 3 yung sa iba hanggang 4 dahil po sa pandemic na nararanasan natin ngayon, sana po tayong lahat ay mag-intindihan at magkaisa sa pagsunod sa protocol na ito dahil ito po ay para lang sa ating kabutihan at para pag-prevent sa atin from being contaminated with this COVID-19, it’s better to obey, to follow”. pahayag ni Bishop Abarquez sa panayam sa Radio Veritas.

Sa inilabas na Resolution #72 ng IATF noong ika-17 ng Setyembre, ipinag-utos ang pansamantalang pagsasara ng mga pampuliko at pribadong sementeryo at mga kolombaryo mula ika-29 ng Oktubre hanggang ika-4 ng Nobyembre.

Samantala, pinalawig na rin ng Vatican ang paggagawad ng plenaryo indulhensya hanggang sa buong buwan ng Nobyembre mula sa karaniwang paggawad ng indulhensya simula unang araw hanggang ika-8 ng Nobyembre.

Ito ay maaaring matanggap sa anumang araw sa buong buwan sa sinumang bibisita sa puntod, magdarasal para sa mga namayapa at magsasagawa ng pagkakawanggawa.

Ang indulhensya plenaryo ay pagtatanggal sa parusang temporal sa mga kasalanang nagawa ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 60,373 total reads

 60,373 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 156,541 total reads

 156,541 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 200,809 total reads

 200,809 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 223,918 total reads

 223,918 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 296,397 total reads

 296,397 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top