Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang bawat binyagan ay misyonero.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 675 total views

Ito ang pagninilay ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity sa pagdiriwang ng World Mission Sunday ngayong taon.

Ayon sa Obispo, bukod sa pagdarasal para sa kaligtasan at tagumpay ng mga misyonero sa kanilang pagmimisyon, isang pagkakataon rin ang paggunita ng World Mission Sunday upang manumbalik sa puso ng bawat binyagan ang pagiging misyonero ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Ipinaalala ni Bishop Pabillo, na dapat na ibahagi sa kapwa ang mabuting balita upang higit na lumaganap ang kaharian ng Panginoon.

Partikular na tinukoy ng Obispo ang social media bilang isa sa mga paraan kung paano higit na maibabahagi ang kabutihan at mabuting balita ni Hesus sa mas nakararami lalo na sa kasalukuyang modernong panahon.

“Ipagdasal natin na ang mga misyonero natin ay maging matagumpay sa kanilang pagmimisyon. Kaya ngayong Linggo hinihikayat tayo na ipagdasal ang pagmimisyon ng simbahan. Isa pang magagawa natin ngayong Mission Sunday ay buhayin uli sa ating puso ang pagiging misyonero natin. Ang bawat binyagan ay misyonero. Ang nakatanggap ng magandang balita, kung talagang magandang balita ang natanggap natin, ay dapat nating ibahagi ito sa iba. Ang magandang balita ay binabalita. Kaya huwag nating itago ang mabuting balita. Sabihin natin ito, ikuwento natin si Jesus at ang kanyang kabutihan. Ipahayag natin siya sa social media.” pagninilay ni Bishop Pabillo.

Ibinahagi ng Obispo na isang hamon para sa bawat binyagan ang pagiging misyonero ng Mabuting Balita ng Panginoon lalo’t ginugunita rin sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

Ayon kay Bishop Pabillo, naaangkop lamang na maibahagi sa kapwa ang biyaya ng pananampalataya na ibinahagi ng mga misyonero sa mga Pilipino 500-taon na ang nakakalipas.

“Ipinagdiriwang natin ngayong taon ang 500 years ng pagdating ng Kristiyanong pananampalataya sa ating bansa. Hindi naman tayo karapat-dapat, pero sa kagandahang loob ng Diyos, biniyayaan tayong makilala si Jesus. Ang biyayang ito ay dumating dahil sa mga misyonero na dumating sa atin. Hindi naging madali ang gawain nila. Noong limang daang taon nang nakaraan, alam ng mga misyonero na pagpunta nila dito, hindi na sila makababalik sa kanilang lugar. Marami sa kanila ay namatay sa biyahe o sa sakit.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Tuwing ikatlong Linggo ng Oktubre ginugunita ng Simbahan ang World Mission Sunday na isang paraan upang ipaalala ng Inang Simbahan sa buong daigdig ang pagiging misyonero ng bawat binyagan kung saan ang lahat ay tinatawagan sa isang buhay na kaaya-aya at puno ng kaligayan sa piling ng Panginoon.

Matatandaang bukod sa mga Pilipinong lingkod ng Simbahan na naglilingkod sa iba’t ibang bansa ay una na ring binigyang pagkilala ng Santo Papa Francisco ang mahigit sa 10-milyong mga Overseas Filipino Workers na nagsisilbi ring misyonero ng Mabuting Balita ng Panginoon sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 77,711 total views

 77,711 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 145,199 total views

 145,199 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 166,264 total views

 166,264 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 187,201 total views

 187,201 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 218,206 total views

 218,206 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top