‘No vaccination, no work’ policy ng DOLE, binatikos ng labor groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 748 total reads

Nangangamba ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na maging negatibo ang epekto ng pahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Tinukoy ng grupo ang pahayag ng kalihim na maaaring ipatupad ng mga may-ari ng establisyimento ang mandatory vaccination sa kanilang empleyado upang muling makapagbukas alinsunod sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No.138 na ipinatupad noong ika-siyam ng Setyembre 2021.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, ang pahayag ay maaaring magamit ng mga employers upang patuloy na hindi magbayad at palawigin ang floating status ng kanilang mga empleyado.

“The Trade Union Congress of the Philippines is warning of further joblessness, underemployment among workers with Labor Secretary Silvestre Bello III’s insistence that alert level 3 guidelines could allow employers to put on furlough and floating statuses unvaccinated employees without pay,” pahayag ni Tanjusay sa panayam ng Radio Veritas.

Nangangamba rin si Tanjusay na maaari ring magdulot ang pahayag ng pagkalito at hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga employers at manggagawa dahil na rin sa pagiging salungat nito sa pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kailanma’y hindi batayan ang vaccination status upang makapagtrabaho ang mga manggagawa.

Karagdagang suliranin din ang pahayag ng kalihim sa panig ng mga mamamayang naghahanap ng trabaho ngunit hindi pa rin nakakapagpabakuna dahil sa limitadong suplay ng COVID-19 vaccine.

“Right now, Mr. Bello’s distraughtful interpretation of the guidelines is causing fear, demoralization, confusion and unrest among unvaccinated workers particularly those who are willing to be vaccinated yet could not access the inadequate supply of vaccines,” ayon kay Tanjusay.

Nananawagan din ang TUCP kay Secretary Bello upang maging mas malinaw ang mga patakarang susundin ng mga manggagawa at mga business owners gayundin ang magkaroon ng talakayan sa National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) upang makalikha ng mas maayos na panuntunan hinggil sa usapin.

“The TUCP is urging the Secretary of Labor to call and convene the tripartite National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) where a viable interpretation of the particular guidelines can be worked out between labor and business representatives,” panawagan ng tagapagsalita ng ALU-TUCP.

Samantala, bagama’t naniniwala ang Simbahang Katolika na mahalaga ang pagpapabakuna laban sa COVID-19, hindi naman ito dapat maging hadlang sa karapatan ng mga manggagawa sa pagkakaroon ng hanapbuhay lalu na ngayong umiiral ang krisis dulot ng pandemya.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 48,487 total reads

 48,487 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 48,094 total reads

 48,094 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 82,035 total reads

 82,035 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 183,860 total reads

 183,860 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 224,419 total reads

 224,419 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 243,029 total reads

 243,029 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

73-taong paglilingkod sa mahihirap

 68 total reads

 68 total reads Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng

Read More »
Scroll to Top