Diocese of Dumaguete, nanawagan sa media practitioners na maging totoo sa pag-uulat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 906 total reads

Nananawagan ang Diyosesis ng Dumaguete sa mga media practitioners na maging responsable at totoo sa paglikha at pag-uulat ng mga balita.

Ito’y kasunod ng artikulong inilathala ng Negros Chronicle noong Setyembre 19, 2021 hinggil sa naging pag-uusap nina Dumaguete Bishop Julito Cortes at Dumaguete City Mayor Felipe Antonio Remollo tungkol sa binabalak na 174-hectare reclamation project sa lungsod.

“We call on media practitioners to be more responsible, accurate and truthful in their reporting and, thereby, not become purveyors of fake news or untruths,” pahayag ng Diyosesis.

Lubhang ikinadismaya ng Diyosesis ang inilathala ng nasabing pahayagan dahil lumabas dito na nagbago na ang isip ni Bishop Cortez at sumasang-ayon nang ituloy ang reclamation project sa lungsod ng Dumaguete.

“It was enough that Bishop Cortez and Mayor [Felipe Antonio Remollo] accomplished enough clarity to move on and leave the matter to the PRA to decide officially about the matter, at the proper time,” ayon sa inilabas na artikulo ng Negros Chronicle.

Samantala, napag-alaman ding mayroong lumabas na “open letter” noong Agosto 28 na nagsasabing kinakatawan ni Bishop Cortes ang damdamin ng mga sinasabing grupo ng “Catholic Parishioners” kaugnay pa rin sa reclamation project at ginamit din ng walang pahintulot ang opisyal na letterhead ng Diyosesis.

Habang noong Agosto 29 naman ay muling naglabas ng artikulo ang Negros Chronicle at dito’y nabanggit ang nasabing “open letter” na nauna nang nilinaw na hindi pagmamay-ari ng Diyosesis ng Dumaguete.

Ikinalulungkot din ng Diyosesis na hindi man lamang nakipag-ugnayan ang pahayagan kaugnay sa nasabing liham upang mabigyang-pansin at linaw ang saloobin ng lokal na simbahan.

“The said article provided the occasion to further spread the lies and deceit of the abovementioned Open Letter. By publishing the content of a spurious letter without the name of the person responsible for writing it, the publisher is deemed primarily liable for the harm that it caused and could further cause,” ayon sa pahayag.

Tiniyak naman ng Diyosesis na matatag ang paninindigan nito laban sa nasabing reclamation project na kaakibat din ang mga katuruang panlipunan ng simbahan partikular na ang Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco tungo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Sa isang mensahe ni Pope Francis sa World Communications Day, binigyang halaga ng Santo Papa ang responsibilidad ng bawat isa sa paghahayag ng katotohanan dahil ang mga maling impormasyon ay nagdudulot ng panlilinlang na nakaapekto sa lipunan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 2,376 total reads

 2,376 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 25,133 total reads

 25,133 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,694 total reads

 65,694 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 92,397 total reads

 92,397 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,662 total reads

 140,662 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,633 total reads

 161,633 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,945 total reads

 128,945 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top